1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Tuesday, April 16, 2013

Chapter 29

‘..para kahit papaano sa pag-alis ko, may maibabaon akong ngiti mo.’

Natulala ako habang naghuhugas ng kamay dito sa cr.
“Miss yung tubig.” Kung wala pang magsasabi sakin hindi pa ako matatauhan.

Lumabas ako ng cr. Nakita ko naman si Kenner na nilalapitan na naman ng kung sinu-sinong mga babae.
Sa tuwing nakikita ko siyang ganyan, hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko.. Kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon.. sa ganitong relasyon. Ang makipagrelasyon sa isang taong hindi mo matawag na ‘boyfriend mo’. Parang nauulit lang yung dati.. pero mas komplikado ngayon.

Kasi ako mismo ang pilit na nagtatago ng relasyon namin ni Kenner.

Hindi ko alam kung anong iniiwasan ko.. kung anong kinatatakutan ko.. kung bakit ginagawa ko ito? Mahal ko nga siya.. pero hindi ko man lang magawang iparamdam.. at sabihin sa kanya.

Dejavu?

“Ah Max!” sa tuwing maaalala ko ang mga tingin niya tuwing sinasabi niya ang mga salitang yun. Gustong kong.. humingi ng tawad ng paulit ulit sa kaniya.

Pero wala akong lakas ng loob..

Ang daming tao ngayon sa theme park. Dahil nga siguro summer. Agad naman na bumili ng ticket si Kenner.
“Hmm.. anu kayang pinakamagandang unang pwedeng puntahan?” tumingin tingin siya sa paligid. Tiningnan ko yung guide list.
“Hindi mo talaga malalaman ang pinakamaganda kung hindi mo pa ito nakikita..” tiningnan ko siya.
“Tama ka!” nakangiti niyang sabi. Nabigla naman ako sa lapit ng mukha naming dalwa.
Agad akong lumayo. “Mas mabuti kong maglibot libot na muna tayo. Saka na lang tayo magdecide ng rides na sasakyan natin.”
Ang lakas ng pintig ng puso ko.. ang gulat ko talaga dun.

Naglakad lakad kami at naisip na tumingin tingin muna ng mga rides na pwedeng sakyan. Napansin namin ang dami ng tao ngayong araw.

Napansin ko naman na masayang masaya si Kenner kahit na.. nanonood lang siya sa mga tao dun sa rides. Iniisip niya siguro kung alin ba ang masayang sakyan para samin na dalwa.
Napatingin naman ako sa kamay ko. Nakalong sleeves kasi ako. Pero soot ko.. ang bracelet na bigay niya sakin nung maging kami. Hindi ko alam kung napapansin ba niya ito..

Pumasok naman kami sa isang horror booth. Napansin ko lang na puros mga magkasintahan ang pumapasok sa booth. Akala ko nga kami na ni Kenner ang kahuli-hulihang couple na papasok. Nang may isang grupo ng magkakabarkada ang pumila sa likod namin.

“Oi baka nakakatakot dyan a.”
“Di yan!”
“Ayun oh—“ napalingon pa ako sa dalwang babae dun na parang may tinuturo sa side ko.

“Hihi~ oonga! Hala napatingin si ate.”
“Ang pogi no!”
Nagbubulungan sila pero naririnig ko ang mga sinasabi nila. Siguro mga highschool students ang mga ito, pare-parehas kasi sila ng soot.

“Pwede na po.”

“Tara, Max.” inabot niya ang kamay ko.

Pumasok kami sa loob. Madilim. Wala pa man kami sa gitna. Yung mga estudyante sa likod namin ni Kenner naghihiyawan na. yung mga lalaking tinatakot yung mga babaeng kasama nila. Nabalutan ng sigawan ang lugar. Kahit sa totoo lang wala naman nakakatakot.
Dala lang ng mga sigawan kaya sila natatakot—

“Ahh!—“ bigla na lang silang nagtakbuhan. Di man lang naisip na may iba ring tao bukod sa kanila.

“Okay ka lang?” napatingin ako sa nagsalita ng nakakunot ang noo.
Hindi ko alam kung napansin ba niya ang itsura ko. THUMP. Narealize ko naman bigla kung anong klaseng position meron kami. Halos nakayakap na ako sa kanya sa ginawa niyang pagsalo sakin. Muntik lang naman kasi akong matumba sa pagkakatulak sakin ng mga estudyante na yun.

Agad din naman kaming nakaalis sa lugar na yun. Hindi ako makatingin sa kanya. Pakiramdam ko kasi ang pula pula ng mukha ko.

Naisip naman namin na sumakay sa mga bump cars. Kahit sa totoo lang hindi ako marunong gumamit nito. Mabuti na lang nga meron dun na naggaguide samin. tuloy natapos yung oras namin hindi ako nakapagdrive ng maayos. Naisip na lang namin ni Kenner na pumila na lang ulit.

“Sigurado ka ba na marunong ka na?”
“Hindi naman ako mahina makaintindi.” Abala ako sa pag-alala sa mga tinuro ni Kuya sakin.

Nasa isip ko lang kailangan kong tandaan yung mga tinuro niya. Feeling ko kasi masayang maglaro sa mga bump cars na yun. Kanina kasi.. habang tinuturuan ako ni Kuya. Nakikita ko si Kenner na kinikiri ng mga babae dun at paulit ulit siyang binabangga. At ngayon pumila ulit sila. Hindi ako magpapatalo!

“May itsura si Kuya na nagturo sayo.”  Nakatingin pa rin ako dun sa mga babaeng pumila ulit na kasabay namin kanina lang din. halatang halata na si Kenner ang pinagbubulungan nila. Sulyap pa sila ng sulyap. Akala nila a.
“Si Kuya? Hindi ko napansin.” Sayo kasi ako napapatingin. Nginingitian mo pa yung mga babaeng yun kanina kahit binabangga ka nila.
“Parang ngang nag-eenjoy si Kuya na turuan ka. Inubos niya oras sa pagtuturo sayo.” Napatingin na ako sa kanya.
“Pinapanood mo ba kami?”
Nagpout siya, “Nagseselos ako.”

RIIINGG!!

Biglang nagring yung bell. Ibig sabihin next batch niya.

Pero.. THUMP.THUMP.THUMP. Parang mas nabingi ata ako sa malakas na kabog ng dibdib ko. Ang cute kasi niya kanina. Bakit siya ganyan! Nakakainis..

“Max!” nawala ako bigla sa sarili.

Agad ko namang inandar yung sasakyan ko. Nang bigla akong banggain ni Kenner. Nginitian niya ako. Ayos na sana kaso yung mga babaeng nagpapacute sa kanya, nagpapapansin.


“Hahaha.” Tawang tawa kami sa mga nangyari.

Pagkatapos kasi naming magbump car, sumakay din kami ng roller coaster at wild river. Sobrang nakakatakot palang talaga dun. Nakakatanggal kaluluwa. Kaso medyo nabasa kami sa wild river.
Bigla naman siyang tumigil sa paglalakad. Medyo nagtaka ako. Lalo na nung—

“Nabasa ka rin pala.” Pinunasan niya yung parte sa pisngi ko na nabasa.

Napayuko naman ako. Atsaka ko napansin yung oras.

“8 na pala.”
“Hm. Tara na umuwi.”

Naglakad lakad naman kami. Tahimik lang. bigla na lang kaming binalot ng katahimikan. Kahit ang ingay ingay ng paligid namin. Parang biglang  naubusan kami ng pag-uusapan. Hindi dahil uuwi na kami. Kundi sa katotohanan na..

Ito na yung huling araw na pwede kaming magkasama bago siya umalis.

“7am. Sa may triangle center. Gusto mo ba na.. sumama at ihatid kami sa airport?” aniya ng hindi tumitingin sakin.

Umiling naman ako. “Wag na lang. may pasok din kasi ako. Baka.. magkaquiz kami..”

“Tama ka. Mas maganda nga siguro kung hindi ka makakasama.. kahit 1 buwan lang yun baka magkameron din kasi ako ng dahilan na wag umalis kung nandun ka..” nagkatinginan kami.

Ang lungkot ng mga ngiti ni Kenner..
HTML Comment Box is loading comments...