1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Tuesday, April 16, 2013

Chapter 28

Nakatingin siya samin. Pero hindi sakin. Hindi rin kay Leo.

Kundi kay Zero.
Natakot ako na baka kung anong isipin niya kaya hinarangan ko si Zero. Para mas maagaw ang atensyon niya. At sa wakas tumingin din siya sakin.

“Akala ko kasi may nangyari ng masama sayo. Kaya naisip ko na puntahan ka.. na  lang..” napatingin naman siya kay Leo. “Hindi ko alam na may kasama ka pala.”
Mali ito! Hindi ito ang dapat na mangyari. He’ll misunderstand everything.

“Hindi ko na nasabi sayo kasi—“ hindi ko natuloy yung sasabihin ko.

“Aalis na sana siya dapat. Kaso hindi naman namin pwedeng iwan na lang siya mag-isa. kaya sinamahan na rin namin siya. Mabuti na rin na nagkasalubong tayo. Kesa naman sa nagkasalisi kayo.” Nakangiting sabi ni Leo.

Hindi ko lang alam kung anong dating ng pananalita ni Leo kay Kenner. Pero pakiramdam ko hindi niya nagustuhan ang pananalita nito. Anyways, it's still my fault. Hindi ko dapat hinayaan na mangyari ito.

“Tara na.” sinabi ko na lang. Wala na akong maisip na paraan makawala lang sa awkward na situation na gaya nito.

Ngumiti naman siya.
Pero bago kami tuluyang umalis, lumingon ulit siya sa kanila.

“Nagkita na ba tayo, noon?” hindi ko alam kung sinong tinutukoy niya. pero kay Zero siya nakatingin.

Nagkatitigan sila.

“Baka.. akala mo lang yun.” Blanko ang reaction ni Zero.
Ngumisi naman si Kenner sabay talikod.

Tahimik lang kami sa paglalakad. Walang umiimik. Hindi ko alam kung nagtatampo siya. Pero sa pagkakakilala ko kay Kenner.. napakaimposible na magpakita siya ng kahit na anong inis sakin.

“Ku..” kumain ka na ba? Gusto kong itanong sa kanya. Hindi ko alam kung anong kinatatakutan ko.

Bigla naman siyang tumigil sa paglalakad..

“Dito kami nagpapraktis ng mga kagrupo ko.” napatingin naman ako sa tinitingnan niya. Siguro maraming dumadaan na mga tao na napapatingin sa kanila sa tuwing nagpapraktis sila..
“Max.. bukas makalawa na ang alis namin. Kaya sana.. ibigay mo sakin yung oras mo bukas?”
Napatitig ako sa kanya nung sabihin niya yun. Blanko ang expression ng mukha niya.. habang nababahala naman ako.

Nung gabing yun, hinatid lang din ako ni Kenner at umuwi na din siya. 9 na rin nung makauwi kami. Pero ang totoo 30 mins. lang ang pinagsamahan namin. Bukas buong araw akong magpapalipas ng oras kasama siya at sa makalawa ang alis niya.. parang bang walang wala na kaming oras.

Mas mahirap pa ang ganitong klase ng relasyon. I keep pretending that everything is fine with me. I keep on acting cool in front of him. I'm enduring everything.. gusto ko siyang hawakan, mas matitigan, mas makasama.. I'm being selfish, I want him.. At natatakot ako na malaman niya ito.

He'll hate me for sure..


'Magkita na lang tayo after ng practice. <3'

 Nakarating ako dun sa lugar na pinagpapractisan nila ng grupo niya. Napansin ko ang iba't ibang tao na tumitigil para mapanood sila. Kaagaw agaw pansin sila. Ginagawa nila ito para makakuha ng atensyon at sumikat..

At gaya ng ibang tao.. hindi ko rin maiwasan ang ibaleng ang atensyon ko sa kanila. Sa kanya..

Nakita naman niya agad ako. Ngumiti siya.

Mabuti pa siya.. napakahonest niya sa nararamdaman niya. Si Kenner.. akala ko isang karaniwang chikboy lang siya. Na pinapaikot lang nila sa matatamis na ngiti ang mga babae dahil alam niyang gwapo sila. Na kaya lang niya ako gusto maging girlfriend ay dahil gusto niyang mapatunayan na kahit ang isang tulad ko ay kaya niyang mapasagot..

Hindi ko agad napansin.. na meron siyang dahilan para magustuhan ako. Na hindi siya basta chikboy na gusto lang mangulekta ng mga babae.


"Sorry! Naghintay ka ba ng matagal?" dali dali siyang bumaba habang sinosoot yung panobleng damit niya.

Umiling naman ako at inayos yung collar niya. Medyo nabigla siya sa ginawa ko. Kaya hindi na lang ako tumingin sa kanya. At dun.. napansin ko ang mga babaeng napapadaan sa harap namin na paulit ulit ang sulyap sa kanya.

"Sayang may gf na pala.." may mga babaeng nakatingin samin.

"Sige mga tol una na ako!" nagpaalam naman siya sa mga kasama niya.

"Tara." nakangiti niyang sabi.

Pansin ko ang mga tingin ng mga tao samin.

Hindi naman ako makasabay sa kanya dahil nga sa pasulyap sulyap ng iba't ibang tao sa kaniya. At hindi ko alam.. kung bakit parang okay lang sa kanya. Okay lang ba sa kanya na ganito.. magkasama kami kahit parang hindi? Gusto kong hawakan ang kamay niya kahit sa harap ng madaming tao. Gusto kong ipakita sa lahat na boyfriend ko siya..
Pero syempre.. NAPAKAIMPOSIBLE. HINDI KO KAYANG GAWIN YUN.

“Gutom na gutom na talaga ako!” madami siyang inorder. Kumain na muna kami bago bumyahe.

‘Diba si Kenner Cabrera yun?’
‘Gwapo pala talaga yan sa personal?’
‘Eeh sino yung kasama?’
‘Ang alam ko chikboy yan.’
‘Isang araw bago na naman gf niyan.’
‘Iba na talaga pag gwapo..’
‘Diba yung grupo nilang Psyren ang nanalo dun sa show sa studio 23?’

Sunod-sunod na bulungan ang naririnig ko sa loob ng fast food chain na yun. Pakiramdam ko.. ilang na ilang ang katawan ko sa mga taong yun. Gusto ko ng umalis. Naiinis ako sa mga tingin nila!
Nung sulyapan ko naman si Kenner.. parang may kung anong tumusok sakin nung makita ang reaction niya. Nakatingin siya sakin ng may ganong tingin. At bahagya pa siyang ngumiti nung mapatingin ako sa kanya.

Mukhang.. pakiramdam niya kinahihiya ko siya..

“Hindi ka pa tapos kumain?” dali dali kaming lumabas sa fast food na yun. Ang dami pa nga naming tira. Parang.. nagmamadali siyang umalis.
“Kenner—“ hinigit ko ang damit niya.
“Ayokong.. mapilitan ka sa tuwing kasama mo ako. Ayokong mailang ka sa mundo ko. Pakiramdam ko napakawalang kwenta kong boyfriend na yung mismong girlfriend ko hindi ko mapasaya. Ayokong mahirapan ka..” lumingon siya sakin. “Please kahit ngayon lang. Magpanggap kang masaya kasama ko.”

Parang may kung anong masakit na bagay ang tumusok sakin.

ANG SAKIT SAKIT.


DAMN.. ang sama sama ko talaga..
HTML Comment Box is loading comments...