1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Tuesday, April 16, 2013

Chapter 27

“Okay.. group 2.”

Natapos naman kaming magreport ng mga kagroup ko. in no particular order ang pagrereport. Last group na ang group 2. At si.. Zero ang magrereport sa kanila. Narinig ko sa iba na hindi daw ito tumutulong sa pagreresearch.

Napakairesponsable.

Bumati naman ito sa lahat. Napansin ko pa na ang ibang mga babae sa loob ng classroom namin ay mukhang interesado sa kanya. Gwapo din naman kasi ang isang ito. Good looking kumbaga. At talagang may dating. Kasoo kung yung pagiging goodlooking niya ay kasing good ng manners niya, edi sana okay naman. Kaso hindi e.

Bastos ng isang ito.
Hindi siya bumati sa prof. namin. At basta na lang siya nagsalita at pinaliwanag niya ang summary muna ng report nila. Aaminin ko, naimpress ako sa panimula niya. Hindi siya gaya ng iba na dinadaan sa itsura ang pagdadala ng sarili. Matalino siya at may sense kausap. Halos lahat nga samin maraming natutunan sa kanya. Magaling siyang mag-explain. At kahit si  Mr. Barton ay walang nagawa para may masamang masabi sa kanya. Ni hindi nagawang sumalungat ng matanda sa bawat sabihin ni Zero. Parang sa isang iglap nawala ang terror na matanda.

Palabas na ako ng campus nang may humampas sa balikat ko.
“Bye Max!!!” sila Roxie at Kim. Kinawayan nila ako habang lumalabas din ng campus.
Natawa ako bahagya.

Nung maglakad ulit ako, “Max?!” humarang sa paningin ang presensya ni Leo.

Pero mas nakakabigla ng makita ko kung sinong kasama niya.

“I can’t believe na magkakilala na pala kayo.” Sabi ni Leo habang  panay ang tingin samin ni Zero. Nasa gitna siya.

Nakwento ni Leo sa paglalakad namin na magkaklase sila ni Zero. Na hindi daw ito regular student ng school namin. Nagsasummer school lang pala itong si Alcaraz sa school namin. Kaya pala hindi familiar ang mukha ng lalaking ito. Pero kahit siguro kaschool mate ko nga talaga siya, hindi ko rin matatandaan ang mukha niya dahil wala akong panahon sa mga kagaya niya. Isa lang ang pinagkakaisip ko ng malalim.. yun ay engineering student din pala ang mokong. Parang malakas na tagos sa pagkatao ko yun.. iniisip ko kasi kung anong klaseng estudyante siya kapag major subjects na.

Malaki ang interest ko sa mga nag-i-engineering.

“Tapos.. magkasub pa pala kayo!” napatingin ako kay Leo. Ang laki pa rin ng mga ngiti sa mga labi niya. tumango naman ako.
“Alam mo na rin?! Hahaha close na siguro kayo no??!” nanlaki mata ko sa tanong niya. Napatingin naman sakin si Zero.

Sabay tawa..

Dumaan kami sa isang fast food chain. Sa table, kami ni yabang ang magkatabi habang si Leo nasa harap namin. Tumabi kasi itong lokong ito sakin pagkaupo ko. Dahil nahihiya ako kay Leo kaya wala din akong nagawa. Ni hindi ko nga matingnan ng masama ang mokong na’to. Supladahan o tarayan man lang. dahil nga kaibigan siya ni Leo kaya nirerespeto ko si Leo dun. Kaya hindi na lang ako nagsasalita. Less talk, less mistake.

Kumakain kami ng tahimik. Naubusan din kasi ng sasabihin si Leo. Pansin niya siguro na kanina pa ako hindi makasabay sa usapan nila ni Zero. kahit ang totoo ay ayoko talang makisawsaw sa usapan nila.

Ring.. ring..

Out of nowhere bigla na lang nagring ang phone ko. tiningnan ko naman ang screen name.

“Excuse me.” Nagbago yung mood ko. Parang biglang nawala yung bored atmosphere sa katawan ko.
Mukhang napansin naman ni Leo yun bago pa ako makaalis sa table nila.

“MAX!” hindi ganong kalakas ang boses ni Kenner. Pero sapat na para marinig ko siya. napangiti ako. At hindi ko maialis ang mga ngiti sa labi ko.
“hmm.?” Sabi ko lang.
“Nasaan ka? Daanan kita.” Napalingon ako kila Leo. Tahimik lang silang kumakain ni Zero.
“Nasa..” biglang pumasok sa isip ko si Leo. Yung mga masasayang ngiti ni Leo. Napalunok ako ng laway.. hindi ata tama na magkita sila Kenner at Leo.

The last time I checked hindi pa sila nagkakabatian ng maayos. Parang ngang hindi siya pinapansin ni Kenner. Na kailanman ay hindi ko naitanong kay Kenner kung bakit nga ba? Pero kung sasabihin ko kay Kenner  na magkasama kami.. baka magbigay lang yun ng malaking problema sa pagitan nila.

“Sandali, ikaw ba? Nasaan ka?”
“Ah—“ hindi agad siya nakapagsalita. “Hehe. Hindi ata ako sanay na ako yung hinahanap mo.” parang biglang tumalon yung puso ko. napahawak ako sa dibdib ko.
“Ganito na lang. kita na lang tayo sa 7-11.” Feeling ko biglang nanikip ang dibdib ko kahit hindi.
“Okay.”

This past few days.. nagiging weird na ang mga pakiramdam ko kapag may konektado na kay Kenner.

“Aalis ka na?” tanong bigla ni Leo habang inaayos ko ang gamit ko. kilala na niya ako kaya hindi na rin ako nagpaligoy ligoy.
“Oo.”
“Si Kenner ba..” tumingin siya sa bag ko. “..ang tumawag sayo?” hindi agad ako nakaimik. Pero tumango din naman ako.

“O sig—“

“Sabay sabay na tayo!”
May sasabihin sana si Leo pero biglang nagsalita ang Alcaraz na’to. Tiningnan niya ako ng tingin na parang nang-uutos. At parang sinasabi niya na ‘sundin mo ako whether you like it or not’. Syempre wala naman siyang karapatan dun. Pero nung makita ko ang reaction ni Leo na wala ding nagawa. So I have no choice but to stay and to wait for a chance na makawala sa Alcaraz na’to.

“Saan ba kayo magkikita ng katagpo mo?” padalwang tanong na niya habang nangunguna-nguna siya sa paglalakad. Paminsan minsan tumingin ako kay Leo pero iniiwasan niya ako ng tingin. Parang bang wala akong karapatang sumaway sa mga pinaggagagawa ng Alcaraz na’to!
“Sinabi ko na sayo na kaya ko na.”
Bigla siyang tumigil at humarap samin. “No need..”
Napakunot ang noo ko—


“..Max..?” napalingon naman kami sa tumawag sakin.

Si Kenner.
HTML Comment Box is loading comments...