Late na kaming nakarating ni Zero. Hindi naman nila kami masisisi
dahil in the first place wala naman kaming alam dahil nga napalabas
kami. Kaya bumawi na lang ako sa mga kagrupo ko.
Hindi lang kami
ang nasa school. Halos lahat kasi ng klase ni prof. Barton ay nasa
school. General philosophy ang subject namin kay mr. Barton. ‘the art of
being human’ ang tema ng group project namin. Kailangan naming
magresearch sa library, yun daw kasi ang sabi ng matanda.
Pagkatapos
ng tatlong oras sa library, kumain naman kami ng lunch. Yung iba naman
ay naglaro ng volleyball. Hindi ako sumali sa kanila bagkus mas pinili
kong mag-isa.
Mahigit isang oras din silang naglalaro kaya
naisip ko na pumunta sa court. Makikita mokahit sa malayuan na masayang
masaya silang naglalaro. Hindi ako sportman, at mas lalong wala din
akong hilig maglaro.
Nagvibrate ang cellphone ko.
Unknown number
‘Max pakitawagan naman ng mga kagroup natin’
Napatingin
ako sa mga naglalaro. Lumapit ako para tawagin yung mga kagroup ko.
nang mapatingin ako sa nakatingin sakin. Naglalakad ako at hindi niya
inaalis ang mga tingin sakin. Nagulat na lang ako sa sunod na
nangyari---
WHAT WAS THAT?
MUNTIK LANG NAMAN AKONG TAMAAN NG BOLA SA MUKHA.
Kung hindi dahil sa kanya.
“SORRYYY!!!” sabi ng mga naglalaro.
Magkasalubong
ang kilay ni Zero habang hawak hawak pa rin ang bola. Parang nainis
siya sa muntik ng mangyari. Kinabahan ako dun. Magkatinginan kasi kami
kaya hindi ko namalayan ang mangyayari. Did he just save me?!
Napakunot ang noo ko.
“ANG
LAWAK NG COURT! BAKIT UMABOT DITO ANG BOLA!!” napatakip ako ng bibig.
I’m just about to nag him. Muntik ko na siyang sisihin—
Napatingin ako sa mga naglalaro. At may isang taong umagaw ng atensyon ko.
“Di ko sinasadya.” Wearing those devilish smile.
Nagkatitigan kami ni Nika.
“Ah Max! Pumunta ka ba dito dahil kailangan mo kami?!”
“Mag-aayos lang kami, tapos sunod na rin kami sa library.”
Inirapan niya ako at gaya ng iba umalis na din sa court.
Ramdam
ko ang mga mapanuksong tingin sakin ng iba. May mga naririnig ako
tungkol samin ni Nika. Alam kasi nila na magbestfriend kami nito at
aware din sila na nag-away kami nito.
Agad naman akong
umalis—“Sandali!!” tinampal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko.
Nabigla siya sa ginawa ko. Pero mas nagulat siya nung makita ang
reaction ko.
I won’t thank him for saving me.
“Kilala mo ba ang taong yun?”
Iniwasan ko ang tingin niya. “Pakiramdam ko kasi may hindi tama sainyo.” Tiningnan ko ulit siya ng masama. At saka ako umalis.
Parang
mas lalong naging aware ang lahat tungkol samin ni Nika. Alam din kasi
nila na si Kenner ang pinag-awayan namin. At alam ko naman na ayaw ng
lahat sakin. Sanay naman na ako dun. Palaging ganon.
Pinagtataka ko lang.. bakit kailangan gawin ni Nika yun?
Napatingin ako sa oras, 4:15 na pala.
Napatigil
naman ako sa paglalakad ng mapatingin ako sa harap ko. Hindi naalis ang
tingin ko sa kanya. Parang ngang nagslow motion ang lahat. Ang weird ng
pakiramdam ko. Lalo na nung mapatingin na siya sakin. At nagcurved ng
smile ang mga labi niya. Hindi ako makapagreact.. ngayon ko na lang ulit
siya nakita.
“Hi.”
“Hello!”
Hindi ako
makangiti sa mga kasama niya. Ang iba dun taga thespian. At ang iba
hindi ko kilala.. may iba dun na parang 20’s na ata. Hindi ako magaling
sa batian. Kaya tumatango na lang ako. Mababait naman sila..
“Anong
ginagawa mo? bakit naglalakad lakad ka lang dito?” nandito kami sa
pinakamalapit na café. Napansin ko naman ang hindi maalis na ngiti sa
mukha ni Kenner.
“Ayoko pa kasing umuwi sa bahay.”
“Dapat tinext mo ako.” Napatingin kami sa tumapik kay Kenner.
“Sunod ka na lang, pre. Una na kami.” Tumingin siya sakin. “Sige, Max.” umalis naman yung mga kasama niya.
Tumango naman si Kenner. Tapos tumingin ulit siya sakin. Pumangalumbaba siya at ngumiti.
“Bakit?” naiilang kong sabi.
“Iba
pa rin pala talaga kapag kasama mo yung taong mahal mo.” agad akong
umiwas ng tingin sa kanya at tumingin sa labas. Hindi ko alam kung
marurumi ako sa sinabi niya pero.. ang init ng pakiramdam ko. *blush*
‘hahahaha’ Habol
naman ang tingin ko sa magsyotang dumaan sa harap ko. At parang.. si
Nika ang babaeng yun. Kaso yung lalaki.. hindi ko siya kilala.
“Max?”
“Huh?”
Siya naman ang umiwas ng tingin, “Isang linggo na lang at lilipad na kami papuntang Singapore.”
Parang may kung anong tumama sa puso ko. Hindi naman na ako dapat magulat diba?
“Wala
ka bang sasabihin?” nakatingin pa rin ako sa kanya. Nang tanungin niya
ito. Hindi ako nabingi para hindi makasagot agad. Hindi rin dahil hindi
ko agad nagets ang ibig niyang sinabi.
“Uhh—“ parang umurong ang dila ko na magsalita. Hindi ko rin kasi alam ang dapat kong sabihin sa kanya.
Nakatingin pa rin siya sakin at naghihintay ng sasabihin ko—
RING RINNNGGG..
“Yung phone mo nagriring.” Napatingin naman siya sa phone niya.
I
feel disappointed. At the same time scared.. dahil I can’t even said
those meaningful words for him. Umuurong ang dila ko pagdating sa
kaniya. Natatakot akong magpakatotoo. Na baka.. kung magsinungalin ako
baka lalo ko lang masabi sa kanya ang totoo.
Tumingin siya
sakin, malungkot ang mga mata.. pero ngumiti pa rin, “Kailangan ko ng
umalis. Magsisimula na silang magpraktis.” Mga 5 seconds kaming
nagkatitigan. Hindi ko alam kung hinihintay pa rin niya na may sabihin
ako.
“Sige. Bye.” Hinawakan niya ang kamay ko for the last time at umalis.
Pilit kong pinipigilan ang sarili ko. Sa totoo lang.. masakit sakin na makita na nadidisappoint ko siya..