Paikot ikot na ako sa kama ko. Mapadapa, mapabaluktot, pabaligtad..
HINDI AKO MAKATULOG. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang calender. 2
weeks na lang at aalis na si Kenner.
Nilagay ko naman ang kamay ko sa noo ko at napatitig ako sa kisame.. Blanko ang laman ng utak ko.
Hindi ako nakatulog ng maayos. Hindi rin ako makapagconcentrate sa mga klase. Kahit yung mga quiz hindi ko magawang ipasa.
Nung
breaktime sa cafeteria, nakita ko si Kenner sa isang table. Nakaupo
siya at pinalibutan ng mga babae. Pero imbes na lapitan ko siya, hindi
na lang ako kumain.
I stayed on the field. Naupo ako sa mga bench.
Matirik ang araw. Pero hindi naman ganon kainit. May mga varsity na
nagpapraktis sa field. Napatingin ako sa langit.. tinaas ko ang kamay
ko. at tinitigan ang bawat spaces ng daliri ko.
Nagulat ako ng maaninag ng mata ko na may nakatingin sakin.
“MAXINE!!” napalingon ako sa tumawag sakin, kinawayan nila ako. Sila Roxie at Kim.
Nilapitan nila ako. At umupo sa tabi ko.
“Ang
pogi niya talaga! Eeeeh!” bulungan nila. At mukhang gets ko naman ang
sinasabi nila. Nasa harap kasi namin si Zero. Umiinom siya. Isa kasi
siya sa mga varsity.
Bago siya bumalik sa field, lumingon ulit
siya samin.. nakatingin siya sa parte namin. At mukhang ako ang
tinititigan niya. Dahil siguro sa nakita niya kanina. Nakakahiya at the
same time.. nakakainis siya.
“Eeeh tumingin siya tumingin siya!!”
Bumalik
ako sa classroom.. kasama pa rin sila Roxie at Kim. Puro mga lalaki ang
bukang bibig nila. Kaklase ko sila sa ibang subject pero wala akong
maalala na ganito kami kaclose. Mga tao nga naman.?
“Bye bye Maxine.” Hindi ko sila nilingon pagpasok ko ng room. Alam ko naman na hinihintay lang nila si Zero na bumalik.
Last
subject na namin. Ang ingay ingay ng lahat. Nakapanganglumbaba lang ako
habang nakatingin sa labas. Mga 15 minutes din na hindi pa dumadating
yung prof namin. Kaya ganyan sila. Pero maya maya din.. may isang
professor na dumating. Mga 40’s siguro yung teacher na yun. Pero
nakakapagtaka na lahat sila biglang tumahimik.
“When I call your name, say present.” Sabi nito.
Saka naman bumalik si Zero.
Tinitigan
siya ng bagong professor habang umuupo ito sa katabing armchair ko.
parang no effect naman yun sa Alcaraz na’to. Ramdam ko ang tension sa
loob ng klase.
Pinaliwanag ng bagong professor namin ang tungkol
sa pagsa-sub niya sa dati naming prof. sinabi rin niya na terror siya na
ang ayaw niya sa lahat ay yung mga estudyanteng hindi nakikinig sa
kanya.
Nagsimula din agad siyang magturo. Hindi siya gaya
ng ibang teachers. Nakatuon ang atensyon ng lahat habang naglelecture si
prof. Barton.. pero may isa na walang pakealam. At parang hindi
natatakot sa kanya. Tumingin ako sa katabi ko.. nakaub-ob lang siya.
Hindi ko alam kung bakit umiinit ang dugo ko sa mga taong kagaya niya.
Stubborn! Nung mapatingin ulit ako sa kanya.. nakatingin na siya sakin.
“Aray?” napahawak ako sa ulo ko. nung tingnan ko yung bagay na tumama sakin..
“You two, GET OUT OF THIS CLASS!” nanlaki ang mga mata ko na marinig ang sigaw ng professor namin.
No choice, napalabas ako kasama ng damuhong lalaking ito. Bakit kasi nadamay ako.. at talagang tinamaan pa ako ng chalk sa ulo.
Nakatingin
na naman siya sakin. Tiningnan ko siya ng masama. “Ano!?” nilagpasan ko
siya at naisip ko na lang na maglakad lakad na lang muna.
Kaso
mapaglaro talaga siguro ang tadhana at dinala ako mismo ng mga paa ko
kung nasaan siya. Sa LG Dancesport. Nagpapractice kasi ang grupo nila.
Ang daming taong nanood sa labas. Kitang kita kasi dito sa labas dahil
transparent yung salamin.
‘Kailangan naming magpraktis. Pero sana kapag nagkatime ako.. magkatime ka rin gaya sakin’
Biglang pumasok sa isip ko ang mga sinabi niya.
“Diba si Max yun?”
“Bakit hindi siya pumasok sa loob?”
“Di ko pa sila nakikitang magkasama hanggang kaninang umaga?”
"Baka naman nagbreak na?"
“Tss kung ako sa kanya hindi ko pakakawalan si Kenner.”
“Hindi niya ata alam ang pinaggagagawa niya.”
Kung
anu-ano ang mga naririnig ko. Pero nagwalang pakealam lang ako. Aalis
na sana ako.. nang mahagip ng paningin ko ang mga nanlilisik na tingin
ni Nika. Inirapan niya ako.
“Kilala mo?”napalingon ako sa nagsalita. Napakunot ang noo ko.
Hindi ko siya sinagot bagkus naglakad na lang ako. Uuwi na ako. Itetext ko na lang si Kenner.
Hanggang
sa labasan. Hanggang sa sakayan. Kasama ko ang lalaking yun. Pinilit
kong dedmahin siya. Pero nung makarating ako sa lugar namin. He’s still
following me.
“The heck.” Lingon ko sa kanya bago ako
pumunta ng sakayan ng tricycle. Lumingon naman siya sa likod niya at
nagtatakang tumingin sakin.
“I’m referring to you.” Dinuro ko siya. Ayoko sa lahat ng mga weirdo at walang magawa sa buhay.
Tinuro
naman niya ang sarili niya, “Are you following me?” bago pa siya
makasagot. “Sinira mo na nga ang impression ko sa prof natin. Sinisira
mo pa araw ko. the heck are you trying to do.?” Naglakad siya papalapit
sakin.
Tapos may tinuro siyang bahay.
“I’m living there at
the apartment. By the way we’re neighbors. Hindi ko lang alam kung bakit
hindi mo alam. Dahil siguro hindi naman talaga ako student ng school
mo. o talagang ang dedma mo sa mga tao.” Tinitigan niya ako ng 5 seconds
pagkatapos nilagpasan din ako.
Bukod sa Darren na yun, may ibang tao pa palang mas nakakainis!
Natulog
lang ako buong maghapon. Paminsan minsan bumababa ng kwarto para kumain
kasama sila papa at mama. Pero mas gusto ko sa kwarto.. hindi kasi ako
sanay na nakikita si papa. Grade 6 kasi ako noon nung umalis siya.
Bzzt..
From: Kenner
Sige, tapos na 20mins. break. Must go back :-*
Napahiga ako sa kama. Nung magvibrate ulit ang cp ko.
Unknown number
Sorry kanina..
Tinitigan ko yung number. Ngayon na lang ulit may nagtext sakin ng unknown number. Napangiti ako. Nakakatawa ang text na'to.
Bumangon
naman ako para maghilamos at magtoothbrush na rin. Bigla ay nakatanggap
na naman ako ng message the same number. It's quotes. Kaya ni-delete ko
na lang.
"Maxine, bangon na!"
Napamulat
naman ako ng mata pagkarinig ng boses ni mama. Hinanap ko ang orasan,
it's exact 9am. Bago ko malimutan pupunta nga pala akong school. Nabasa
ko sa group na may group activity daw kami sa klase ni prof. Barton. And
we'll be having the report tomorrow.
"Aalis ho ako." pagmamadali ko. Inayos ko lang ang buhok ko at agad ding lumabas.
"May lakad ka?" tumango ako habang sinosoot ko ang sapatos ko.
"Hindi ko ho alam oras ng uwi ko. Alis na ho ako." tumakbo naman ako palabas ng gate. "Pa!" nagpaalam na din ako kay papa.
Papalabas
na ako ng subdivision at papunta na rin sa sakayan ng tricycle. Nang
mapansin ko ang presensya ng taong sumusunod na naman sakin.
Gusto ko siyang dedmahin kaya tahimik akong sumakay sa loob ng tricycle.
"Napakainsensitive mo." sumiksik naman siya sa loob katabi ko. Tiningnan ko siya ng magkasalubong ang kilay.
"Ni hindi mo man lang napansin na kasunod mo na ako." Nang-aasar siyang ngumiti.