1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Tuesday, April 16, 2013

Chapter 24

“Bakit!?” napatakip naman ako ng bibig. Masyadong napalakas ang boses ko.

“Pangarap kong.. maging sikat na dancer. At maging mahusay na choreographer. Gusto kong ishare ang nalalaman ko.”
“Bata ka pa Kenner, bakit basta basta ka na lang nagdedesisyon!?” hindi ko na talaga kayang pigilan ang sarili ko.

“If I fail.. kailangan kong sundan ang tapak ni papa.” Ngumiti siya. napakalungkot na ngiti.

Nanahimik naman ako.

Pinanood ko yung mga batang sumasayaw. Yung iba sa kanila tinatry tumumbling. Kaya naman nasasaktan.
Tinuon ko ang atensyon ko sa mga batang yun. Ayokong may masabi sa kanya. Hindi gumagana ang utak ko.. hindi ko siya magawang intindihin. Masyadong mabigat ang mga nalaman ko.

Pero kahit na anong pananahimik ko, heto siya at kinukuha ang atensyon ko. Hinawakan niya ang mukha ko at pinaharap sa kanya. Nakabusangot akong humarap sa kanya.

“May ipapakita ako sayo.” Nilabas niya wallet niya. Walang gana naman akong nanonood sa kanya. Nang may ipakita siya sakin na isang larawan.

Inabot niya sakin, tinitigan ko naman yung larawan. Ewan ko, pero parang biglang nawala ang pagkabad mood ko. parang ngang nagtataka pa ako. Pero siya.. nakangiti lang?

“Sandali.. kailan nga yan.?” Nag-isip siya. napatingin naman uit ako dun sa picture. Hindi ko malaman kung sino ang mga taong ito. Kung siya ba itong lalaking ito.. at ex-girlfriend ba niya itong babaeng kaakbayan niya. “Yeah right! That was a masquerade Christmas ball.. 2 years ago.” Napatingin ako sa kanya.
“You are this guy?” tumango siya na may matipid na ngiti.

“Eh anong connect—“ nang marealize ko ang mga bagay bagay.

Parang may biglang nag-flash back sa utak ko na isang alaala.

"Pero ma.. ayokong pumunta.." pagpupumilit ko kay mama.
"When I say no, it's a no! Grabe! 3rd year highschool ka na Maxine, malapit ka ng magcollege. you should familiarize yourself dealing with different people!" sapilitan ako inuupo ni mama at inayos naman ang buhok ko pagkatapos akong make-upan.
"Sigurado ako na bagay na bagay ang dress na binili ko just for this night." iniikot ako ni mama paharap sa kanya. "Enjoy yourself, Maxine."

Pumunta nga ako sa masquerade x-mas ball na sinabi  ni tita kay mama. Hindi ko lang talaga maintindihan si mama. Kung ayaw niya akong nabubully, e bakit niya ako dinadala sa mga ganitong event. Okay, let's be clear, everyone hates me. And if I did wear this mask.. will I be able to pretend like others as well?
Tinapak ko ang mga paa ko sa red carpet na yun. Seeing others just as age as me. I'm scared. Hoping I could atleast enjoy this night, just this night.
Pero madamot nga talaga siguro ang nasa taas. Bukod sa no one wants to accompany me.. there everyone's having their moment. Nagsasayawan sila. At walang may gustong makipagsayaw sakin.
Ayokong ipahiya ang sarili ko kaya tumayo ako at dinala ang mga paa ko palabas—

Nang may humigit sakin papuntang dance floor at nilagay ang mga kamay ko sa balikat niya.

"Ken! Ken!?"

"Damn." I heared him murmured.
Parang may tinataguan siya. Sinubukan ko namang kumawala, "2 minutes." hinawakan naman niya ako sa baywang.
Parang nawala ang vision ko sa mga taong nakapaligid samin nung magtama ang mga mata namin. He’s half smiling. Napakapinkish ng mga labi niya at mas lalo itong pumupula kapag kinakagat niya. I bet this guy is good looking.

His lips are slightly full: the kind that end in a cute little smirk at the corners.

Pinagmamasdan ko siya habang sumasayaw kami. Dahil natatakluban ng mascara ang mukha niya, tanging ang mapanuksong labi lang niya ang malimit mapansin ng mga mata ko. maangas ang taong ito. He is lucky enough to have sex appeal to get everyone’s attention. I’m not attracted.. ngayon lang ulit kasi may lumapit sakin ng ganito.

Nagbago ang tugtog..

“Calling Ken Jan to perform.. Ken please come to stage..”

“Tara!” hinigit niya ang kamay ko at sinama sa kanya.

“Hi everyone, I’m Ken. And this is my friend..” tumingin siya sakin. Umiwas naman ako ng tingin. “She will perform for us..”

Nagsimulang tumunog ang kanta. Inabot sakin ng lalaking yun ang microphone, he mouthed ‘just try’ then he winked at me. Tinanggap ko yun at sinimulang kumanta.

Really hope that your on your way
With something special for me in your sleigh
Ohh please make my wish come true


Ngayon ko na lang ulit naramdaman ang ganitong pakiramdam towards everyone. Just for this night, I want everyone to like me without even knowing I’m Maxine Pedrosa.


Like Cinderella, pagpatak ng 12 midnight kailangan ko ng umuwi at bumalik sa katotohanan..

“Sandali!!” yung lalaking yun. “Can I atleast know who you are.” I just stared at him. Naweirduhan siguro siya kaya hindi na niya inulit.
Ngumiti ako at tumawid ng kalsada.

“Napakaganda ng boses mo!!” lumingon ulit ako sa kanya.. “Someday, I’ll find you. And when that day comes..” naghand gesture siya na parang babarilin ako.

“You’ll be-- kvjvhvvhsjchv”

Hindi ko narinig ang huli niyang sinabi dahil sa mga dumaang sasakyan. Napangiti naman ako sa kawalan. Ngayon lang ulit ako naging ganito kasaya


“I told you right.. na hahanapin kita..”


Ang lalaking yun 2 yearas ago ay si Kenner.

Hinawakan niya ang kamay ko, “Hindi ako nagkamali na ikaw ang babaeng iyon. Nung marinig ko ang boses mo nung mag-auditon ka.. alam ko na nagtagpo na ang landas natin.” Feeling ko may lumandas na luha sa mukha ko. pinunasan niya yun.
I’m being emotional.

“You're now mine.”
HTML Comment Box is loading comments...