“May problema ba tayo?”
Lumingon ako sa kanya. Hindi
siya nakatingin sakin. Nakatungo siya at nasa bulsa niya ang mga kamay
niya. Nagkakaganito kami.. sa lugar na madaming tao.
Kinabahan naman ako nung bigla siyang tumingin sakin.
“Tayo ba talaga?” kumunot yung noo niya at iniwan niya akong nakatayo sa kawalan.
Ito ang first time na nakita ko siyang ganon.
“AH!”
“ANO BA PAHARA HARA KASI!” bigla na lang may sumagi sakin. Nashocked sa nangyari.
Pagtingin ko sa sumagi sakin, yung mga babaeng yun. And the F, she smirked! >:(
“Hey!!” nagulat na lang ako nung marinig ko si Kenner. At sinugod niya yung mga babaeng yun. “Kayo?..” sabi niya sa mga ito.
Tumakbo yung mga babaeng yun. Hindi na sila nagawang sundan ni Kenner, mukhang nagulat siya sa nangyari.
“Anong nangyari?”
“May nag-aaway?”
“Sino ba sila?”
Napansin ko yung mga tao. Napatingin naman si Kenner sakin. Pero agad din akong tumakbo dahil nahihiya na ako sa nangyari.
Nung makalabas ako, hindi ko alam na sinundan pala ako ni Kenner.
“Oh.” Sinootan niya ako pambabaeng jacket. Namumula pa siya.
Inayos ko yung pagkakasoot nung jacket, “Saan mo naman ito kinuha?”
“Dun sa nakasalubong ko. don’t worry, binayaran ko na yan sa kanila.” Hinawakan naman niya ang kamay ko. “Sorry.”
Alam
ko na sinadya ng mga babaeng iyon na tapunan ako ng malagkit na sause
ng meatballs.. at dahil na naman yun kay Kenner. Hindi ko alam na
hanggang sa mall, gagawin nila ang mga bagay na’to. Sa harap pa ng
madaming tao.
Napapisil ako sa kamay niya.
“Matagal na ba nilang ginagawa saiyo ito?”
Hindi ako sumagot.
Nabigla naman ako nung bigla niyang silipin ang mukha kong nakatungo.
“Ano ba!” nilayo ko yung mukha niya. Galit ako pero tumatawa siya. magkahawak pa rin ang kamay namin.
“Tss. Hindi ko talaga kayang magalit sayo.” Binawi ko ang kamay ko.
“I think we should talk.”
“Ang galing nilang sumayaw!”
Nandito kami ngayon sa pinakamalapit na plaza. Nanonood ng mga batang sumasayaw.
“Next
month.. “ bigla akong kinabahan. “Pupunta akong Singapore para sa
Finals. Siguro.. mga 1 buwan ako dun.” Tama ang hinala ko. Kaya naman
napaisip agad ako.
“p-Paano ang studies mo? June 10 pa ang tapos ng summer class!?”
Lumingon siya sakin. Ngumiti siya habang sinasabi ito..
“Titigil na ako sa pag-aaral Max.”
thump.thump.thump.THUMP.
Hindi ko alam ang irereact ko. Ang tibok ng puso ko. Ang sakit.. naninikip ang dibdib ko.
“Paano ang parents mo?..” umiwas ako ng tingin. Feeling ko sasabog ang puso ko. Bakit kasi pabigla bigla siya..
“Nagfile na ng annulment ang mom ko.
Siguro pagka-uwi ko galing Singapore, baka hindi na kami dun nakatira.”