1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Tuesday, April 16, 2013

Chapter 22


“m-Max!” nagulat naman ako na makitang nasa bahay namin si Leo.


“Oh ang aga mo ata, ngayon?” sabi ni mama at pumunta naman siya sa kusina.

Ngumiti ako kay Leo, “Absent ho ako.” Sabi ko at pumuntang kwarto para magpalit ng soot. Agad din naman akong bumaba para puntahan si Leo.

“Naparito ka?” sabi ko sa kanya. Magsasalita pa lang siya nung magsalita si mama.

“Absent ka? Darating na bukas ang papa mo tapos ganyan ka? Ano bang meron!?” nakataas ang kilay ni mama habang nakatingin sakin at inaasikaso yung mga dadalhin namin bukas. Umiling iling siya para siguro hindi magbigay ng negative mood towards Leo.



“Pasensya na.” sabi ko at umupo sa sofa kaharap siya. umiling siya at ngumiti.

“Tara sa labas?”



Nagpaalam ako kay mama na lalabas nga kami ni Leo. Maglalakad lakad lang siguro.


“Musta? Hmm.. summer class? Love life? Haha.”

Matagal bago ako sumagot, “Okay lang..”

“Talaga bang okay lang?” matagal din siyang nagsalita after kong sumagot. Mukhang alam niyang may mali. Kilala na talaga niya ako.

“Yan ba talaga ang pinunta mo?”

“Hindi.” Natawa siya. tumingin ako sa kanya, “Anong akala mo, love counselor mo ako? Tsk!” binatukan niya ako pero parang hindi. Sobrang hina kasi. He’s trying to cheer me up.

Ginantihan ko siya, pero mahina lang din. “Pinuntahan mo ako dahil gusto mo talagang mangamusta! Nagpaaga ka para hindi halatang ako ang sadya mo sa harap ni mama. Yun nga lang, obvious ka, kasi napaaga uwi ko.” nagcrossed arms ako.

Nagulat siya sa narinig, pero agad ding natawa.



Tumambay kami dito sa basketball court na may mga kalalakihang naglalaro. Habang kumakain.

“Hulaan ko, hindi studies, pero lovelife!” tumingin ako sa kanya, kinindatan naman niya ako. “Hahaha. Why don’t you choose to be single? Walang problema. Happy!”

“Yun ba talaga ang solusyon?” tumingin ako sa kawalan. Matagal siya bago sumagot.



“Ano ba talagang nangyari?”



Hindi agad ako sumagot. Napanood pa namin si Kuya na nag-3 points. Nagtatawanan sila. Pero tuloy parin ang laro.



“Noon, I doubt whenever he's telling me likes me. Ngayon.. I still doubt that he likes me.”

“Bakit mo nasabi?”



Isa naman sa mga player ang nag-slumdunk pero hindi nagshoot ang bola. Binato nila ito ng bola.



Ngumiti ako sa kawalan, “Hindi ko alam kung bakit nga niya ako nagustuhan. Magkaiba kayo.. Galit na galit ako sa kanya bago ko marealize ang tunay kong nararamdaman. at ngayon namang alam ko na ang totoo.. para bang.. napakawala ko ng kwentang tao para sa kanya.



Masyado siyang malayo para sakin. I think.. naiinsecure ako.”



“I-try mong kausapin siya. Max, magpakatotoo ka lang.” tumingin ako sa kanya. Ganon din siya sakin. “Kung ayaw mong magaya siya satin, dapat gawin mo ang dapat. Ano man yung fear mo. Ano man ang pwedeng mangyari. Kailangan maging handa ka..”





“ANG BOLAA!!!”



Nagulat na lang kaming parehas ng lumipad yung bola sa gitna namin.



“s-SORRYYYYY!!!” natawa kami ni Leo parehas.



Pinaalam ko kay Kenner na sa mga oras na’to darating na ang papa ko. sabado na, nandito na kami sa naia. 2pm nung dumating si Papa.


‘Good for you’ text ni Kenner sakin.


Wala kaming masyadong pinag-usapan ni Papa. Nangamusta lang siya. Kumain kami sa labas at pag-uwi sa bahay, nagpahinga na siya.


Nung linggo, nagsimba kaming tatlo. At after mass nagpaalam ako na may pupuntahan ako. Makikipagkita ako kay Kenner. Usapan namin. Pero hanggang ngayon.. wala paring alam si mama na may bago na akong boyfriend after.. Leo.



“Yo!” tumayo siya. Naka-straight collar shirt with short pants siya. *blush*

“Sorry sa abala.”



Pumunta kaming mall. At kung saan saan pumunta. Namasyal, naggala, kumain. Kumukuha ako ng tyempo para makausap siya. Pero everytime.. naiilang ako. Kasi bukod sa may mga taong napapatingin samin. Napansin ko rin.. na ang gwapo niya talaga ngayon.



“Aghh!! Ang oa naman kasi ng dating niya.” bulong ko sa sarili habang naghuhugas ng kamay. Nandito kasi ako sa banyo at katatapos lang namin kumain. At manonood daw kami ng sine after.


Habang tumatagal, mas lalo kong narerealize ang tunay kong nararamdaman para kay Kenner. At hindi ko alam kung ikatutuwa ko ang mga nangyayari. Bukod na gwapo naman siya, kaso mas lalo siyang gumagwapo pag pumoporma siya. Ay sikat pa siya, at may sariling fans club. Nung nisearch ko, madami din siyang group page sa fb. Followers, subscribers at friends. Daig ko pa ang boyfriend na artista. Kahit hindi siya katalinuhan, na noong kinaiinisan ko. sobrang talented naman niya. at ang lakas ng dating niya sa masa. Isang galaw lang niya, napapansin agad siya. kaya.. ang OA.


Lumabas naman ako sa cr nung makita ko siya na iniinterview ng dalwang babae. Iling siya ng iling. Hindi ko masyado marinig yung tinatanong sa kanya nung dalwang babae. Pero agad din niya akong napansin.

“Ah nandyan na pala girlfriend ko!” agad siyang lumapit sakin at hinawakan ako sa likod. Tinulak niya ako papasok sa sinehan.

“Hmf! May girlfriend na pala.” Narinig ko pang sabi nung isa.



Nagstart na yung movie. Enjoy na enjoy siyang nanonood. Kahit ako naman yung pumili ng movie. Nitry kong magconcentrate pero nung nitry niyang hawakan ang kamay ko. bigla na lang akong kinabahan. Nagtaka pa siya nung bigla kong binawi ang kamay ko kaya agad na lang akong kumain ng pop corn. Para may excuse. Akala ko dededmahin niya yun, hindi pala.


Nag-cr siya after that. At nung bumalik siya, tahimik na lang siyang nanonood ng movie. Naisip ko na baka nagtampo siya. Sinubukan kong hawakan ang kamay niya pero hindi rin bumalik yung mood niya. At hanggang sa matapos yung movie, tahimik lang siya.





Kahit ayoko ng ganito.. bahala na lang..

HTML Comment Box is loading comments...