1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Tuesday, April 16, 2013

Chapter 21

Dumiretso na lang ako sa classroom ko. Napaub-ob ako sa armchair. FnaF ko ang kamalasan ngayong araw. Naiinis pero nangyari na. umayos ako ng tayo at kumuha ng tissue sa bag ko. nilagyan ng pabango yung tissue at pinangpunas sa parteng natapunan nung hot chocolate. Parang tanga! Nung marealize kong walang effect tinapon ko yung tissue sa harap ko. nababadtrip talaga ako!

Napalingon naman ako sa taong dumating. Magkasalubong ang kilay ko nung mapatingin ako sa kanya. Nabigla na lang ako nung makita kung sino.


Mas nagulat pa ako nung lumapit siya at inabot sakin ang isang varsity jacket.
Napatingin lang ako sa ginawa niya.

“Hindi talaga mawawala agad yan. Ipantaklob mo na lang gamit nito.” At ngayon ko lang napansin na napalitan na pala niya ng sando yung soot niyang shirt kanina. Mabuti na lang at nakapolo siya.

“Hindi ko naman kailangan—“ sasabihin ko sana nung umupo siya at magsalita.

“Sorry, dahil siguro sa pagkakabangga natin. Natapunan ka rin ng drinks ko.”


Mapapanganga ako nung magsorry siya. Just what happened now is all because of me.. tapos siya ang magsosorry. Dahil daw.. natapunan niya ako. WTF? Nangongonsensya ba siya o sarcastic lang?

“Ang totoo, ako ang dapat magsorry. Dahil sakin—“ pumanganglumbaba siya habang nakatingin sakin. Hindi ko alam kung bakit bigla akong napatigil nung mapansin kong cute ang isang ito.

“Ahehm! I mean, I’m sorry! Ako talaga ang bumangga sayo. Hindi mo ako tinapunan at.. hindi ko naman sinasadya,” agad akong umayos ng upo at umiwas ng tingin sa kanya. Sa harap na lang ako nakatingin. Nasa tabi ko kasi siya. pero hindi naman ganon kalapit sakin.

“Isoot mo na, yan. Mas maganda na rin yung hindi kita yung dumi sa damit mo.” Nainis ako sa sinabi niya. Pero umalis din naman siya.

Kahit hindi naman talaga dapat sundin ang taong yun, ginawa ko pa rin. Sinoot ko yung varsity jacket niya. Wala namang makakaalam na kanya ito, diba? Nakapagtataka lang kung saan siya nakakuha ng damit?


Natapos ang klase ko ngayong araw na'to. At napansin ko ang bukang bibig ng karamihan. Tungkol ito kay Kenner. Sa klase, sa bawat floor, sa pathway, sa canteen, kahit sa lobby. Di naman ako makarelate dahil wala talaga akong ideya kung anong nangyari sa court.

"Ang galing niya talaga no!"
"Akala ko nagbago na siya. Di pala. Kakainlove talaga!"
"Sinabi mo pa! Swerte nung gf. Ano kayang feeling ng girlfriend ka ng isang KJ Cabrera."
"Kyaaaah!"

Parang nawala ata ako ng gana kumain. Kung ano anu kasing naririnig ko.

"Ang gwapo niyaaa!!!"
"The way he dance while playing. Damn that's so amazing. He's too hot!"
"That guy named, Kenner Cabrera!"

Uminom naman ako. Narealize ko.. na ganito pala kapopular ang boyfriend ko. At kapag sumasayaw siya..mas lalong natutuon ang atensyon ng tao sa kanya. Mukhang alam ko na ang nangyari kanina..

“Max!” lumingon ako sa kanya. Tumayo ako. Nakangiti siya. pero hindi ako makatingin sa kanya ng diretso.

Naglakad kami, ng walang imikan sa isa’t isa. Kumakain naman ako kaya may rason ako. Habang may katext naman siya, ang saya saya pa niyang tingnan.

“Umm—“ nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Agad naman akong umiwas.

Pero wala siyang sinabi after nun.

Nung gabing yun, nagbabakasakali akong magtetext siya. He did. Pero isang beses lang. ‘goodeve’ lang naman sinabi niya. Kaya hindi ko na nireplayan. Umaasa ako na may kasunod yun.. pero natapos na akong mag-aral, wala na akong natanggap.


Kinabukasan, maaga akong pumasok. Pinaalam ko naman kay Kenner yun. Kailangan kong pumasok ng maaga para mailagay ko sa table ni Zero yung varsity jacket. After that, naisip ko na lang na matulog sa may rooftop for the remaining minutes.

Nakatanggap naman ako kay Kenner ng text na sabay na daw kaming kumain mamayang breaktime. Nagreply naman ako ng ‘oo’. Pero sana hindi na lang pala ako sumabay.

“Hi, KJ!”
“Kenner, manonood ulit kami a!”
“Kenner!”
“The best ka talaga!”

“Ang gwapo niya.. kyaaa~”

Parang mas lalo ata siyang naging popular. Ano ba talaga kasing nangyari nung isang araw? Sigh.

“Ah sorry, Max! gusto mo sa ibang lugar na lang tayo?” umiling ako. Bakit naman kasi nagso-sorry pa siya?

“Bibili lang ako ng maiinom.” Ngumiti siya.


Bumili ako ng dalwang c2 para saming dalwa. Pero pagbalik ko sa table namin. Hayun siya at pinapaligiran na ng mga tao. Hindi naman siguro ganon katagal diba? Sigh. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

Sinipa ko yung batong nadaanan ko. Hindi na ako bumalik sa table namin. Kaya heto dala dala ko yung drinks namin. Ewan ko ba pero.. parang may mali sakin.


Napatigil ako sa paglalakad nung napansin kong may nakatingin sakin. Si Marjohn. May summer class din pala siya.

“Hi.” Sabi niya pagkalagpas ko sa kanya.

Pero tumigil ako para lingunin siya. nakatingin parin siya sakin. Pinilit kong ngumiti.

“Ah! p-Pasabi kay Kenner na ‘goodluck!” nagtaka ako sa sinabi niya. Pero hindi ako nagpahalata. Tumango ako. “Ang.. galing niyang sumayaw nung isang araw. Sila ng grupo niya. Pasok pala sila sa finals dun sa Rhythm of the Beat. At pupunta pa silang Singapore next month. Ang g-galing niya! as expected sa boyfriend mo, Max!” nag-thumbs up pa siya.

Napakunot ang noo ko sa narinig. Agad naman akong tumakbo.

“b-Bakit—MAX!?”

Agad akong pumunta sa classroom at kinuha ang gamit ko.

“Saan ka pupunta?” bigla na lang may humigit ng braso ko bago pa man ako makalabas ng pinto. “Malapit ng magtime.” Binawi ko naman yun.

Dinedma ko siya.

“Sandali!!!” napatigil naman ako.

“Aabcent ka ba?” tumango ako. At umalis na ulit.


Hindi ko alam kung saan ako papunta, basta ayoko na munang makita si Kenner ngayong araw sa mga susunod na araw.



Naiinis ako sa mga narinig ko. aalis siya? bakit wala akong alam? AT BAKIT BA AKO NAGAGALIT NG GANITO!!
HTML Comment Box is loading comments...