Naikwento ko kay Kenner na sa sabado na darating si Papa. Habang naglalakad kami.
"Kung ganon, text text na lang tayo a." yun ang huling sinabi niya bago kami pumunta sa mga classroom namin.
Bago pa man ako makapasok sa classroom ko, bigla na lang akong tinawag nila Roxie at Kim na kaklase kong mga engineering din.
"Oi kaklase mo nga ngayong summer si Zero ?" sumisilip silip sila sa loob ng classroom ko.
At speaking of--
"Excuse me." nagbigay naman sila ng daan kay Zero.
Parehas
silang natigilan at animo'y kinilig pag-alis ni Zero. Kung anu anong
pinagbubulungan nila. Na mabango daw yung tao at ang gwapo daw nito.
Napataas na lang ako ng kilay. Di ko na sana sila papansinin kaso
nakasama sa usapan nila si Kenner.
"Mas gwapo parin si Kenner no?"
"E hindi na naman siya nakikipaghang out satin. Mukhang seryoso na talaga siya kay Max."
"hmf sayang naman siya."
"Talaga!"
Tinalikuran
pa nila ako na para bang wala na silang kailangan sakin. Narinig ko pa
na hihingin nila number ni Zero. Hanggang sa tuluyan na silang umalis.
Napasabunot tuloy ako sa buhok ko sa sobrang inis. Ang e-FC na nila. Ang e-Epal pa. Narurumi lang ako.
Nagbreak
time naman. Sa may basketball court, nagkakagulo. As in may
pinagkakaguluhan sila. Di ko sana papansinin kasi gutom na ako. Pero
nung marinig kong sinisigaw nila ang pangalan ni Kenner, napatigil ako.
"WOOOOHhhh!!"
"GO KENNER!!"
"CABRERA, I LOVE YOU."
Sari saring sigawan ang naririnig ko. Hindi ko makita ang nangyayari. Pero ayaw ko rin namang tingnan.
"Go for it Kenner! I'll give a damn kiss after this!"
Bigla na lang may sumagi sakin. Tuloy natapunan ako ng drinks nung babae. Napa-'agh' naman ako sa inis. Hot chocolate.
"Such
a loser.." narinig kong sabi pa nung mga babaeng napatingin samin.
Tumawa sila. Sila lang naman ang isa sa mga nang-iinis sakin nung mga
nakaraang araw.
“s-Sorry!” sabi nung di sinasadyang sumagi sakin.
Sa badtrip ko umalis na lang ako.
Nakatungo
ako at tinakloban ang mukha ko ng buhok ko. kahit nagkakagulo na yung
mga tao at naghihiyawan, may narinig pa akong tumawag sakin. Pero dahil
nagmamadali ako, hindi ko na napansin. Kung ano man ang nangyayari kay
Kenner at kung bakit lahat ng tao dito ay pinagkakahuluhan siya.
“Sh!t!” nagulat na lang ako nung may nabangga ako. Hindi pa man ako nakakalayo sa madaming tao.
“WOAH!!” napatingin ako sa nabangga ko. Hindi ko alam ang irereact ko.
May
hawak siyang trey. Yung dala niyang pagkain, sa kanya mismo natapon.
Yung sauce pa ng pasta. Bakit ba kasi may dala siyang trey, and of all
places bakit dito pa niya naisipang kumain.
“z-Zero, okay ka lang?”
“Aww pare ang daming sauce.”
Agad
niyang nilapag yung hawak niyang trey sa pinakamalapit na bench.
Tinulungan naman siya nung mga kasama niya na punasan yung shirt niya.
Lalapitan ko na sana sila para magsorry kaso—
“Si Zero!!” narinig ko yung ibang mga babae na napatingin samin.
Sa takot kong mapansin ng ibang tao. Agad na lang akong umalis.
Agh! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.! Ang malas malas ng araw na’to.