“Ah sige, sabay na tayo Max.”
Madalas kaming sabay ni Chad umuwi.
Dahil
close ko naman si Chad kaya madalas din akong tumatambay sa room ng
org. madalas pa na nagpapraktis sila ng sayaw. Napapangiti ako ng oras
kapag nakikita kong sumasayaw si Chad. Magaling kasi siyang sumayaw, yun
bang hindi niya alam ang step pero isang tingin lang niya sa katabi
niya nakukuha agad niya. Yung bang nagmumukha na siyang tanga dahil para
siyang walang alam but still napagaling pa rin niyang gumalaw.
Bukod
pa dun.. may isang lalaki din na mas magaling sa kanya. Kaso mas gusto
ko ang galaw ni Chad dahil ang isang lalaking yun ay masyadong maappeal.
Dinadaan niya sa sayaw para lang makadiskarte sa mga kababaehan. Siya
yung Kenner na sinisigaw ng lahat ng tao dati sa gym. At pamamalagi ko
dito sa campus, napansin kong sikat nga yung taong yun. Kaso.. masyado
siyang pacute at chikboy. TSS..
Isang araw dumating ako sa room ng org.
“Hahahah.”
Nakita ko agad si Nika. Kasama yung mga kaibigan din niya sa org.
nagtatawanan sila. May isang lalaki dun.. yung Kenner.
“Ah Max!” nakita niya ako. At inanyayahang lumapit sa kanya.
Pero inisnob ko siya at naupo malayo sa kanila para panoorin na lang yung iba na nagsasayaw.
Nakaearphone
ako. Pero walang music. Ito ang madalas kong gawin para kahit papaano
marinig ko ang usapan ng ibang tao. Lalo na at nasa paligid ko lang si
Nika.
“Bakit ganyan si Max?” naririnig ko yung usapan
nila. Boses ata ni Kenner. Tsk naiinis ako sa kanya dahil masyado siyang
dumidikit kay Nika. Minsan pa pagmagkausap o magkasama kami ni Nika, ay
eepal yang Kenner na yan. Hindi pala, umeepal pala si Nika sa kanya.
“Anong
ganyan? Ganyan talaga siya.” tumawa pa si Nika. Tss.. may nagbago sa
tawa niya. Mukhang nagpapacute si Nika dun sa Kenner na yun. Bakit ganon
ang mga babae.. masyadong pacute sa mga gwapong lalaki. Nakakainis.
“So ano nga, Kenner bakit ayaw mo pang manligaw. Madali lang naman sayo yun e.” uminom naman ako sa drinks ko.
“Hahaha.”
“Ayy dinadaan lang sa tawa. Ang unfair.”
“Ano bang gusto ninyong malaman?”
“Diba sabi mo gusto mo ng magkagirlfriend. Kaya tinatanong namin kung sinong gusto mo.”
“At bakit ayaw mo pang manligaw.”
“TSk ang playboy kasi—“
“AHH..” agad naman akong tumingin sa kanila nung marinig kong sumigaw si Nika.
Nagkaeye
to eye kami ni Kenner. Yung expression ng mukha ko at niya. Parehas
kaming nagulat na magtama ang mga tingin namin. Dahan dahan namang napatingin sakin yung mga kasama
niya. Kaya agad akong umiwas at tumayo. sakto naman nun na may tumawag
sakin.
“Max!?” nakatitig lang ako sa phone ko habang tinitingnan yung screen name nung tumatawag sakin.
“Max..” nakita ko na lang na nasa tabi ko na si Nika.
“MAX!!!
Nakauwi ka na ba!?” naagaw ang atensyon namin nung marinig ang sigaw ni
Chad pagkadating niya. “Waa buti di ka pa umuuwi. Sabay—“ nilagpasan ko
siya.
“Pasensya na. pero may kailangan akong puntahan.”
Paglabas ko ng room. Agad kong denial ang number ni Leo.
Nakipagkita ako kay Leo sa pinakamalapit na café.
“So totoo pa lang lumipat ka ng school.” Hindi ako sumagot at tumingin lang ako sa labas.
Gusto
ko si Leo. Pero ayokong ipakita sa kanya kung gaano ako kasaya na gusto
niyang makipagkita sakin. At the same time.. masakit. I’m still on the
stage of moving on, pero ano, nandito siya at magpaparamdam. We already
decided to stop connecting each other, but here he is.. doing something
as if nothing happened between us. He’s still unfair..
“Hindi ito
ang oras para manahimik ka, Max!” tumingin naman ako sa kanya. Kahit
hindi ko kayang tumingin sa mga mata niya.. kasi pakiramdam ko kahit na
anong oras pwede ng pumatak ang mga luha ko.
Kaya tumayo na ako at naisip na umalis—
“Max.
Will you stop acting so immature?” Tiningnan ko yung kamay niyang pumipigil sa kamay ko.
Dahan dahan ko siyang tiningnan. “Then, stop acting like you care.” Binawi ko ang kamay ko at umalis na.
Napatigil
lang ako sa paglabas ng isang kakilala ko ang pumasok ng café.
Napatingin siya sakin. May kasama siyang babae. Nakaakbay siya dito.
“Max.”
Nung marinig ko na tinawag ako ni Leo, naglakas loob akong umalis na ng tuluyan sa café na yun.
Pagkatapos
ng nangyaring iyon, nakadalwang tawag sakin si Leo. Pero ni isa dun
wala akong sinagot. Umiyak na naman ako. Napaka niya talaga! Unfair..
wala siyang awa..
Nung nagkavacant ako, tinext ako
ni Nika na pumunta ng thespian’s room. Pagdating ko naman dun, nakita
ko siya kasama na naman yung Kenner. Aalis na lang sana ako pero tinawag
naman niya ako. Kaya no choice, lumapit ako sa kanila.
“Ano?” nararamdaman ko ang mga tingin sakin ng Kenner na’to. Tsk naaasar talaga ako sa presensya niya.
“Turuan mo naman kami dito sa math problem na’to.” Tiningnan ko yung sheets.
“Nag-aaral
ka diba?” umupo ako sa tabi niya at kinuha yung sheets. “Ano bang
pinaggagagawa mo habang tinuturo itong part na’to?” binabasa ko yung
problem at inaalam kung anong equations ang gagamitin ko.
“Hindi ko kasi gusto ang math.” Nabigla naman ako sa biglang sagot nung Kenner.
Napakunot
ang nook o, naiinis na naman ako sa mga tingin niya. Alam niyo yung
tingin na diretso sa mata. Yung parang tingin pa lang madami ng
sinasabi. Naiirita talaga ako sa kanya.
“Kanino ba ito!?” sabi ko naman kay Nika.
“Waa galit ka ba Max? Hindi nga yan akin. Kay Kenner yan.” Agad ko namang nagets ang situation.
So talagang gusto niya si Kenner na talagang handa niyang gawin ang lahat para sa lalaking ito.
“Okay lang kung ayaw mong sagutin.” Tumingin naman ako sa Kenner na yun.
Binalik ko yung sheets sa kanya.
“Sabi mo e.” tatayo na sana ako.
“Max
please! Kailangan niyang ipasa itong papers na’to.” Tiningnan ko si
Nika. Nagmamakaawa siya. tumingin naman ako kay Kenner, napatingin din
siya sakin.
Umupo naman ako at inagaw sa kanya yung sheets.
“Sasagot lang ako pagmay tanong ka.” Iniwas ko naman yung tingin ko sa kanya.
Pero
ramdam ko pa rin yung mga tingin niya. Hindi rin nagtagal at nagfocus
siya dun sa sinasagotan niya at umalis din si Nika dahil may klase pa
siya. Naiwan kami na dalwa dun sa table pero may iba na lumalapit samin
para tingnan yung ginagawa namin.
“Akin na nga.” Inagaw ko yung isang sheet.
Kanina
pa kasi siyang nakatingin sa sheet pero wala naman siyang sinusulat.
Bukod pa dun, ginawa nga niya yung sinabi ko. na isang tanong niya,
sasagot lang ako. Di man lang siya magtanong kung paano.
Sinusulat ko yung solution nung magsalita siya.
“Sorry,
wala talaga kasi akong magets. Wala akong notes. Hindi kasi ako
umaattend. Hindi ko naman kasi gusto ang course ko. tapos kinausap ng
parents ko ang professor ko dyan kaya binibigyan ako ng chance. Sa totoo
lang, pwede ko itong balewalain. Pero…”
Tiningnan ko siya nung
hindi niya tinuloy yung sasabihin niya, narealize ko na lang na mukhang
family problem yung reason ng lahat ng ito.
“Hindi ko naman tinatanong.” Tapos tumayo na ako at iniwan siya.
Hindi
ko binigay ang mga answers sa lahat ng problems. Binigyan ko lang siya
ng mga notes and clues. Kung hindi siya tanga, malaki ang matutulong
nung mga sinulat ko. pero kung bobo siya, sigurado patay talaga siya.