1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Tuesday, April 16, 2013

Chapter 19

From: Kenner
Nasaan ka?

Nagtext na si Kenner. Pagkatapos kasi ng 2 pang group after nila ay kumain naman kami. At kanina pa rin kaming hindi nagkakausap. Ganon pa man tinext ko pa rin sa kanya kung anong ginagawa ko. pero hindi ko na sinabi kung saan.

“Gusto mo pa, Max?” kakaubos ko lang ng pizza ko ng alukin ulit ako ni Leo. Tumango naman ako.

“Aww ang sweet—“

“SHH!! Ano ba Hannah!” sinaway siya ni Juno.

“Bakit ba, wala naman si Janine! Atsaka sila naman dati. Pero sandali—asan nga ba si Janine?”

“May pupuntahan lang daw siya.”

“Ano ka ba Han, wala na din kami ni Max matagal na. friends na lang talaga kami. Bukod pa dun.. may boyfriend na siya.” muntik na akong masamid sa sinabi ni Leo.

Nagulat siya sa inasta ko.

“Ano!? Boyfriend!?”

“At kailan pa!?”

Lahat sila nakatingin sakin. Umiwas naman ako ng tingin habang umiinom ng drinks ko. yinugyog pa ako magkabilaan nila Hannah at Kulin. Muntik na tuloy magsala yung iniinom ko. tuloy naubo ako.

“Sorry Max. hindi ko alam na wala silang alam.” Sabi ni Leo.

Napatigil naman ako. Nang di kalayuan ay nakita ko si Kenner na nakatingin samin.

“Eeeeehh!!! Si pretty boy!!! Bakit siya nakatingin satin! Kyaaaa~” sabi nila Hannah at Kulin.

Nakatingin siya kay Leo. Pero agad na ngumiti nung tumingin sakin. Agad naman akong tumayo. Nagtaka pa sila Hanna sa ginawa ko lalo na nung lapitan ko si Kenner.

Kinabahan talaga ako nung lumapit ako sa kanya. Dahil siguro sa looks niya.. doble kasi talaga yung kagwapuhan niya. Hindi na siya normal. *blush*

“Busy ka ba?” tanong niya habang sumusulyap sa mga kaibigan ko. Umiling naman ako. “Yayayain sana kitang kumain. Busog ka na ba?” halatang nahihiya siya. medyo lumuwag tuloy yung pakiramdam ko. samin dalwa.. hindi lang pala ako ang naiilang.

“Okay!” sabi ko. hindi naman niya napigilang hindi ngumiti.

Pero bago ko kunin ang gamit ko. hinarap ko ulit siya at hinigit ang kamay niya papalapit sa mga kaibigan ko. nakita ko ang pagkagulat sa mga mukha nila Hannah. Kahit sila Juno at Airon ay nagulat din. Syempre.. ang kagaya ko nga naman, magkakaboyfriend ng kagaya ni Kenner. Napakaimposible. Pero nangyari..

“Si Kenner.” Sabi ko.

“Ah—Kenner Jan Cabrera nga pala!” ngumiti siya ng maangas. Muntik ng maubo si Juno. Alam ko kung anong iniisip nila.

“Hi! Hannah here!”

“Kulin nga pala, don’t forget.” Kinindatan pa sila ni Kenner. So totoo lang.. nadidisappoint ako.

“Juno!” tinaas ni Juno ang kamay niya.

“Airon, dre.”

Nakakailang yung atmosphere.. lalo na nung..


“Finally, I meet you pare.” Tumayo si Leo at naglahad ng kamay kay Kenner. “Matagal ko ng gustong makilala ang boyfriend ni Max.” natakot ako nung tinitigan lang siya ni Kenner. Madali lang yun.. pero ang mas nakakagulat nung hindi siya nakipagkamay.

“Gutom na ako, Max.” sabi niya ng may ngiti. Pero kahit ginawa niya yun. Alam kong napansin din nila Hannah ang ginawa niya kay Leo. At hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa?


After naming kumain, bumalik naman panandalian si Kenner sa mga kasama niya. At sinabi niya sakin na wag daw akong aalis dito sa kinatatayuan ko dahil babalik daw agad siya. kaya heto ako at naghihintay. Siguro ay matagal tagal pa siya kaya naisip kong maglaro muna sa cellphone niya. Nasa akin kasi cellphone niya. Habang naglalaro ako, paulit ulit na nagba-vibrate cp niya. Nung tingnan ko inbox niya, puro mga text message. Pm’s pa kamo sa kung sino sinung babae. Napahalumbaba talaga ako. Hindi ko alam ang irereact ko. sigh. Pero dahil nandito na rin ako, naisip ko na rin na tingnan ang sent items niya. At talagang nagulat ako nung makita ang laman nun. Hindi ko na talaga alam ang irereact ko sa mga pinagkikikilos ko.

Si Kenner Jan Cabrera na sikat sa kahit na sinong babae. Gwapo, chikboy, at malakas ang appeal. Patay na patay nga pala siya sa kagaya ko.


“Sige na kasi, bigay mo na samin ang number mo.”

“Kahit na anong gusto mo bigay namin sayo.”

Napatingin ako sa dalwang bakla na di kalayuan sakin. Ang lakas ng boses nila habang kinukulit nila yung isang lalaki. nakatalikod ito kaya hindi ko makita ang mukha.

“Hmp! Ang damot mo naman!”

“Sayang yun, teh! Gwapo pa naman!”

Humarap naman yun lalaki. nakita ko yung mukha niya. Nagtama ang mga tingin namin. At saka ko lang natanto na kilala ko siya.

“Max!” napalingon tuloy ako ng di oras sa tumawag sakin. Si Kenner.

“Ah kasama mo?” tinuro niya yung lalaking nasa harap ko. ngayon ko lang napansin na linapitan pala ako ng Zero na’to.

Tumayo ako at lumapit kay Kenner, “Kaklase ko siya ngayong summer.” Tumingin ulit ako dun sa Zero.


“Sige, alis na ako.” Umalis nga siya. weird? In the first place bakit niya ako nilapitan??
HTML Comment Box is loading comments...