1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Tuesday, April 16, 2013

Chapter 18

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tiningnan ko na siya ng masama nung hindi pa rin niya inaalis ang mga tingin niya sakin.

“May dumi ba sa mukha ko at ganyan ka makatingin?” magkasalubong ang mga kilay ko pero bigla naman siyang namula. Agh. Bakit siya namumula kung naiinis nga ako. Ang weird pa nito ay nangingiti-ngiti siya. pati tuloy ako.. nahahawa sa pamumula niya. Aish!

Umiwas siya ng tingin pero hindi pa rin naaalis ang ngiti sa mga labi niya. Napataklob naman ako ng mukha. Nahihiya na naman ako. Feeling ko tuloy na gusto ko ng umalis.. Bakit kasi..


Bigla ko siyang nagustuhan..

“May gagawin ka ba after ng class mo? Gusto mong.. manood ng sine.” Nagulat naman ako nung bigla siyang tumingin sakin kaya bigla na lang akong napaiwas ng tingin at uminom na lang. at dahan dahan na tumango.

Napakagwapo niya nung ngumiti siya ng sobrang saya.. ngayon ko na lang ulit siya nakitang ganon.


Bumalik naman ako sa classroom after that. Napahalumbaba ako sa table ko at napatingin sa labas.. I guess nagiging maayos na ang lahat.

“Get a sheet of paper.” Sabi ng teacher namin after niya magdiscuss. We still have 30 mins. bago magdismissed.

“Aww may quiz agad?”

“Bilis naman miss!”

“1/4 lang. tingnan natin kung nakikinig kayo habang nagdidiscuss ako.”

Kumuha naman ako ng papel na nakasingit sa mga notebook ko. isang crosswise ang nakuha ko. Kaya pinutol ko na lang ito sa gitna.

“Ready?”

“Zero, may papel ka na?”

“Okay number 1—“

“Wait lang miss, wala pa si Zero!” napatingin naman ako sa katabi ko. napatingin din naman siya sakin habang nakaub-ob siya.

“Oh ano Mr.  Alcaraz, may papel ka na?”

Nakatingin pa rin siya sakin. Hindi ko siya kilala. Ang halos lahat sa klaseng ito.

“Ah Max, may papel ka pa?” sabi ni Roy. Kaya binigay ko naman sa Zero yung kalhati ng papel ko. at umiwas na ng tingin.

Nagsimula ang quiz.

“So who got the highest score?” sabi ng teacher namin.

Mabuti na lang I got 8. Kahit hindi ako masyadong nakikinig. Pasa na rin.

“Miss, si Alcaraz po.” Napatingin naman ako sa katabi ko na kakatayo lang at mukhang aalis.

“Good job, mr. Alcaraz.”

Dinismissed din naman kami after.


Habang nag-aayos ako ng mga gamit ko, bigla ko namang nasagi yung kaklase kong dumaan sa tabi ko. nagsorry ako.

“Siya si Maxine Pedrosa? Yung rumored girlfriend ni Kenner Cabrera?” narinig kong nagtanong yung isang babaeng kasama nung babaeng nasagi ko. nakaupo lang sila habang sumusulyap sakin.

“Talaga? Akala ko ba hindi sila?”

Sa inis ko agad kong sinoot yung bag ko at agad na naglakad palabas. Nakasalubong ko naman yung Zero. Nagkatinginan kami. Tapos tinawag din siya nung mga babaeng yun. Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko, nagtext si Kenner.


The Amazing Spiderman ang pinanood namin. Madami pa ring tao kahit pang-3rd week na showing na ito. Ang alam ko rin ay maganda nga daw yung  movie.  Ang ganda nung effect . tapos tuwing lalabas si Peter Parker as spiderman halos lahat ng babae nagtitilian.

“Ang astig nun!” sabi niya pagkalabas namin. “Siguro may part 2 pa yun, hindi pa kasi niya nakikita yung pumatay sa tito niya.”

Naglalakad kami at napansin ko naman ang mga tingin ng mga tao sa kanya.

‘Siya si Kenner Cabrera?’ narinig ko pa.

“Nagwapohan ka ba kay Andrew Garfield?” naagaw naman agad niya atensyon ko. pero mas napansin ko yung dumi sa mukha niya. Kaya pinunasan ko yun gamit ng panyo ko.

“Eh? May dumi? Agh *blush* gawa siguro nung chips.”

‘May girlfriend na pala siya..’ narinig ko naman sa dalwang babaeng dumaan sa tabi namin.
Nailang tuloy ako sa ginawa ko. I didn’t do it on purpose.

“Ano ulit yung tanong mo?”

“Ha ah..” namumula pa rin siya. agh! Bakit ko naman kasi ginawa yun. Nabigla siguro siya. “Never mind. Uhm gusto mo bang kumain muna tayo?”

Tumango naman ako.


Hindi naman kami nagtagal nung gabing. Niyaya pa niya akong ihatid sa bahay namin pero hindi na ako pumayag. Pagdating ko naman sa bahay, nakita ko pa si mama na may kausap sa phone. Napansin naman niya ako.

“Oh Max, kadarating mo lang pala.” Ngumiti ako at lumapit kay mama. Hinawakan niya ang ulo ko.

“Kausap ko Papa mo. Uuwi na siya this week.” Nagulat ako sa sinabi ni mama. Agad naman siyang tumalikod sakin, “—sa tingin ko nasa kwarto pa natin yun. Sandali puntahan ko..”


After 5 years.. uuwi na si Papa?

Pumunta naman ako sa kwarto ko at nagpalit na ng damit. Nagtext naman si Kenner sakin. At naikwento ko rin sa kanya yung tungkol sa pag-uwi ni Papa.

“Talaga? Wow!” exicted niyang sabi. Sumubo naman ako ng pagkain ko. Kumakain kasi ako ng hapunan.

May narinig naman akong kumausap sa kanya sa kabilang linya.

“Busy ka ata?” sabi ko.

“Ha? Hindi. Nagpapraktis kasi kami para bukas. Sasayaw kami sa plaza. Eh wala naman tayong klase diba. Uhmm.. nood ka a?”

“Okay.”


Dumating ang kinabukasan. Nagtext din sakin sila Hannah na pupunta sila sa plaza. Ngayon ko lang din nalaman na may dance show pala dun sa plaza ngayon. At lahat ng grupo ng mananayaw ay pwedeng sumali. Hindi naman kasi competition. Sinuklay ko ang buhok ko. Natanggap ko naman ang text ni Kenner na nandun na siya. Hindi naman ako pupunta dun kung hindi dahil sa kanya.

I guess.. nagbago na ang lahat.

“Max!!” nakita ko sila Hannah. Naghalf-smile ako habang hinahanap ko sa paligid si Kenner.

“Sinong hinahanap mo?”

“Huh?” bigla kong tanong. Wala kasi silang alam na may boyfriend ako. At ang boyfriend ko ay..

Napatingin naman ako kay Janine.

“Oh nandyan na din pala si Leo e.”  bigla naman akong hinila nila Kulin at Hannah kasabay ng sigawan ng mga tao.

“a-Anong bang nangyayari?” nagtataka kong tanong.

“We already know right! Na naging kayo pala ni Leo!” nagulat ako sa sinabi nila. Di ko tuloy maiwasang hindi mapatingin kila Leo na medyo malayo samin.

“Wag kang magpahalata Max!” sabi ni Hannah na nakalink parin sakin habang nanonood sa mga nagsasayawan at tinataas taas pa ang kamay. Weirdo.

Basta chika, go sila. Sigh.

“At ang alam namin, wala na daw sila ni Janine? Tapos.. ni-two time siya ni Janine! The nerve! Hindi ko akalaing ganon si Janine a.” sabi ni Kulin na napacrossed arm kahit nakalink parin sakin.

“Hindi nga niya kami pinapansin e! kapal no! sila Juno nga lang pinapansin niya e.” inalis ko pagkakalink nila sakin. Ngumiti naman sila. Gets na kasi nilang hindi ko nagugustuhan ang inaasal nila.

“Hindi ba dapat.. sakin kayo magalit. Tinago ko rin yung fact na naging kami.”

Nanood ulit sila sa mga sumasayaw.

“Sinabi samin ni Leo na siya ang may kasalanan ng lahat. Sa totoo lang Max.. hindi talaga kapani-paniwala. Paano ba talaga nagsimula? Kailan pa?” hindi na lang ako sumagot.


Maya maya bigla na lang sumulpot sa paningin ko si Kenner. Ang gara ng soot niya. Kasama niya ang mga kagrupo niya. Sobrang gwapo na naman ng boyfriend ko.. mapapansin na naman siya ng lahat.

“WAAAAH~ Sila na ata ang sunod! Tingnan niyo tingnan niyo, ang gagwapo nila!!!”

“Look at that guy, yung may letter K sa braso! ANG GWAPO NIYA, KULIN!!!” napatingin tuloy ako sa mga braso nila. At sa braso ni Kenner.. K? si Kenner ang tinutukoy ni Hanna.

Crush niya si Kenner..??


“Waaah mukhang familiar yung guy, Hannah. Dancer talaga yan e! atsaka parang sa school nila Max siya pumapasok.”

Napansin ko na palingon lingon si Kenner. Parang may hinahanap siya. naisip ko namang tingnan ang cellphone ko. nagtext pala siya..

From: Kenner
Kami na ang sasayaw.

Nagreply naman ako.
‘Galingan mo. Nanonood ako.’

Nung tingnan ko siya. tumingin siya sa cellphone niya. Ngumiti siya at lumingon sa part ko. mas lumaki yung ngiti niya nung magtama ang mga tingin namin. Napangiti rin naman ako.


“Waaaah tumingin siya dito!!!” sabi nila Kulin at Hannah. Hindi ko alam kung anong magiging reaction nila kapag nalaman nila na yung crush nila.. ay boyfriend ko.


Kung siguro noon.. maiinis lang ako. Pero iba na talaga ngayon
HTML Comment Box is loading comments...