“Ah—“ nabigla siya nung makita akong nakatingin sa kanya. “w-Wag na
lang kaya tayo dito kumain..” hindi ko na siya pinatapos sasabihin niya
dahil agad naman akong lumapit sa table na tinitingnan niya kanina.
"Hahaha Ano ba. Akin na. Ang kulit mo--" ang una kong ginawa ay ang buhusan siya ng tubig sa mukha.
"WAH!!?" napatayo naman agad siya at naagaw ko ang atensyon nila.
"Max!-" lumapit naman si Leo sakin at hinawakan ako sa braso.
"Hoy ano bang problema ninyo!"
"What the--" naputol sa pagsasalita si Janine nung makita niya ako. Ako na nagbuhos sa kanya ng tubig sa mukha. "Max? l-Leo?"
"Janine, sino ba sila? Kaaway mo ba sila? Gusto mo ba na ako ng maghandle sa mga 'to!--"
"Tumigil
ka sa pagsasalita KUNG AYAW MO NA AKO MISMO ANG MAGHAHANDLE SA MUKHA
MO!!" napasigaw kong sabi sa lalaking kalandian ni Janine.
"Max, let's go." pilit na hinihigit ni Leo ang braso ko.
"How
pathetic. Alam mo ang tawag sa mga kagaya mo Janine. Kaawa-awa.! Why
flirting? Bakit? Nakukulangan ka ba sa atensyon na binibigay sayo ng
boyfriend mo. May utak ka ba talaga? Gumagawa ka ng mga bagay.. na
nagpapababa ng dignidad mo. How low--" naramdaman ko naman ang biglang
pag-alis ni Leo. Mukhang.. nasaktan ko siya.
Narinig ko na umiiyak na si Janine. Pero nagulat ako nung may biglang humigit sa balikat ko.
"Hoy!
Engineering ang girlfriend ko! Sino sa tingin mo ang walang utak! Kahit
babae ka papatulan ki--" sinipa ko naman siya sa toot niya. "Aray!
Aray! Aray!"
"Hoy lalaking tinubuan ng ilong! Hindi lahat ng nag-iengineering matatalino. Walang utak." tumakbo naman ako at hinanap si Leo.
Pero
paglabas ko, hindi ko na malaman kung saan exactly siya tumakbo. Kahit
saan ako tumingin at tumakbo.. hindi na siya makita. *pant* Mukhang..
nasaktan ko siya. napahiya ko si Leo..
Agh. Antanga ko lang.
Tumagal
ako ng 2 oras kakahanap sa kanya. Pero kahit saan talaga ako magpunta..
hindi ko siya mahanap. Kaya nagdecide ako na umuwi na lang.
“Ma?”
“Oh Max, ngangayon ka lang. di mo naabutan si Leo. Umuwi na siya.”
“Ho?” nung marinig ko yun. Agad kong naisip na itext siya..
Pero.. naisip ko rin siguro mas kailangan niyang mapag-isa.
Naisip
ko na lang na aaayusin ang mga gamit ko para sa pagpasok ko bukas. Pero
maya maya din ay nakatanggap ako ng text galing sa kanya. Gusto niyang
makipagkita.
Pinuntahan ko siya sa lugar na sinabi niya.
Hindi naman ako nahirapahang hanapin siya. Nakaupo siya at.. nakatingin
sa kawalan.. Papalapit pa lang ako nung magsalita naman siya.
"We broke up.."
Napatigil
ako sa kinatatayuan ko at halos hindi makapaniwala. Pero nung tumingin
siya sa mga mata ko.. dun ko lang natantong.. malungkot siya. But he's
still.. faking it.
"I guess that's the right choice." pumiyok siya at napatungo. Alam kong umiiyak na siya..
Hindi
ko alam kung ano bang pwede kong gawin para i-comfort siya. Kaya dahan
dahan akong lumapit sa kanya at tumayo sa harap niya with my hands on my
jacket's pockets. Bigla naman niya akong niyakap.
Unti unti kong inalis ang isa kong kamay at hinawakan siya sa likod.
"Now, it's your turn. I'm sorry.."
Pasukan
na. Mga minor subjects lang ang mga subjects namin ngayong summer. 3
subject per day. 2hours each subject. At tatlong araw lang ang pasok
namin sa isang linggo. Hindi ganong nakakapagod pumasok. At medyo mahaba
din ang vacant.
"Ah?" natigil naman ako sa kinatatayuan
ko nung magkatinginan kami. Nagbabakasali ako na mapag-isa dito sana sa
rooftop pero hindi ko alam na.. Nandito siya.
"Max!" aalis na sana ako.. Pero tinawag naman niya ako.
Lumingon naman ako.
"Nandito ka pala." lumapit naman ako at naupo di kalayuan sa kanya. Napansin ko pamumula niya.
"Ah.
hehee oo e. Nagsasummer din ako. Naging madali na yung ibang mga minor
subjects dahil naging kapalit naman nun yung pagpeperform namin. Kaso di
pa rin nasave yung mga major ko e. Hehehe." tumayo siya at naupo sa
tabi ko.
"Perform?" tanong ko.
"Oo. Nung bago magfinals.
Kasama si Nika noon." mukhang gets ko na yung sinasabi niya. Kaya pala
madalas silang magkasama ni Nika noon.
"Kamusta ka naman?"
Uminom naman ako ng drinks bago sumagot, "Ok lang."
Katahimikan.
Tuwing mapapatingin ang mata ko sa kanya, nakikita ko lang na
nakatingin lang siya sa kalangitan. Mukhang wala na siyang masabi.
"Kayo na ba ulit.. ng ex-boyfriend mo?"
Bigla naman akong napatigil. Napatingin ako sa kanya.. napatungo naman siya.
"Madalas ko kasi kayong makita-- Hahaha good for you." pinipilit niyang ngumiti pero hindi naman siya makatingin sakin.
Wala naman sigurong masama kung sabihin ko ang totoo..
"Hindi kami.
May iba na kasi akong nagugustuhan.." kumagat ako sa kinakain ko at naramdaman ko na tumingin siya sakin.