Ilang minuto din kaming nagkatinginan nun. Nakatingin siya ng diretso
sa mga mata ko. Nung marealize ko yung sinabi niya, agad kong pinunasan
ang mga luha ko at tumayo.
"Max!" bago pa siya makalapit sakin ay inunahan ko na siya.
"Wag mo akong susundan."
"Galit
ka ba na nakita kitang umiyak? Di ko naman sinasadya e. Akala ko..
akala ko tulog ka.." nung sabihin niya yun. Bigla akong nahiya at the
same time nagalit. Kaya tiningnan ko siya ng masama.
"Sundan mo ako, malalagot ka sakin." bago ako umalis. Narinig ko pa na nag-sigh siya. Kaya nasabi ko sa kanya ito..
"Kalimutan na natin ang lahat ng nangyari ngayon. At.. hanapin mo na yung hinahanap mo. *sniff*" sinarado ko naman ang pinto.
Napapaisip
pa rin ako sa mga sinabi ni Marjohn sakin. Naweweirduha ako. Noon,
galit na galit sakin ang lahat dahil sa ugali ko. Wala ding nagtangkang
manligaw sakin. Akala ko pa noon na hindi na ako magkakaboyfriend. Pero
ngayon.. may mga nagsasabing gusto nila ako. Pero ako ito.. naghahabol
sa taong di ko malaman kung gusto daw ba ako. Ang komplikado.. hindi ko
na alam ang gagawin ko.
Lalo na nung umuwi ako at di makapaniwala sa mga nangyayari.. at pwedeng mangyari.
"While
we're on a business trip, si Leo na muna ang sasama sayo dito sa
bahay." nag-iimpake si Mama habang nakatayo sa tabi niya si Leo.
"Nakasalubong
ko si Tita sa mall. Wala din kasi ang parents ko tonight. Mag-a-out of
town sila. Kaya nung marinig ko na nag-aalala si tita na wala kang
kasama. Nagsuggest ako na dumito muna." wala akong naiintindihan sa mga
sinasabi nila. Si mama, bakit kailangan niyang magdecide. Madali lang
namang mag-isa sa bahay a. Bakit ba ang oa nila at naisipan nilang
maghanap ng taong pwede kong makasama tonight.
"And also, her girlfriend Janine will be coming. Para naman hindi weird." sumasakit ang ulo ko.
"Pero ma., hindi mo naman kailangan--"
"It's fine Max." nagkangitian naman sila ni mama. Panay ang thank you ni mama.
Hindi
naman yun ang problema eh.. The problem is.. ayokong makita, o makausap
si Leo after what happened tapos ano, makakasama ko pala siya. Suck!
And
what's with Janine! Bakit siya pumayag? Diba alam naman niyang mag-ex
kami ni Leo. Diba parang ang awkward. Agh! Bahala nga sila! Dumiretso na
lang ako sa kwarto.
Sinoot ko ang headphone ko habang
nakahiga sa kama. Hindi naman ako makatulog. Gusto kong lumabas ng
kwarto dahil nga kay Leo at the same time tinatamad ako dahil sa mga
bagay-bagay. Naipatong ko na lang ang braso ko sa mukha sa sobrang gulo
ng mga naiisip ko. nakaidlip naman ako. Nung magising na lang ako sa
katok sa kwarto ko.
Hininaan ko ang volume ng ipod ko, “Pasok.” Nakita ko naman si Leo.
“Naistorbo ba kita?” bumangon naman ako at naupo. Inalis ko na rin ang headphone sa tenga ko.
“Ikaw pala. May kailangan ka ba? Si Janine?” tumabi siya sa tabi ko.
“Hindi
siya makakarating e.” malungkot niyang sabi. Mukhang.. may nangyari na
naman sa pagitan nilang dalwa. Nung mapansin naman niya ang reaction ko,
agad siyang ngumiti. “Hindi ko ito niplano Max! Pero.. hindi ko alam
kung bakit ginagawa ito ni Janine. Letting you and me alone.. like
this..” nasasaktan lang ako sa mga ginagawa niyang reaction. Mas lalo
lang niyang pinapalito ang isipan ko..
At ayoko na ng ganito. Mukhang tama si Nika.. hindi ko na maibabalik pa ang dati.
“Max?” napansin niya siguro ang bigla kong pagtahimik.
Ngumiti na lang ako.
“Nga
pala, bakit ka nga pala napatawag kanina? Pasensya ka na, di na ako
nakatawag. Nagpasama kasi si Janine magmall. Naalala ko lang na tawagan
ka ulit nung nakasalubong ko ang mama mo. Tapos.. kinausap nga niya kami
ni Janine tungkol sa pag-alis nila.”
Hindi ko alam ang sasabihin
ko sa kanya. Pero ayoko na talaga.. yung emotion ko. nasasaktan ako. Ang
marinig ang mga bagay na ito galing sa kanya.. It only makes me think
na si Janine na talaga yung prioridad niya. At ako? Nasaan ako?
Parang
lang akong si Nika.. minamahal niya si Kenner kahit ako yung mahal ni
Kenner. Kahit na ako mismo.. hindi ko magawang mahalin ng tama si
Kenner.. bakit. Bakit ko ba iniisip ang Kenner na yun? Hindi ito tungkol
sa kanya.. hindi ko naman siya mahal e. I don’t think na parehas kami
ng nararamdaman. pero.. affected ako. Bakit nga ba?!
"Leo.." tumungo ako at nagbabakasakaling maitatago ang emosyon ko.
"Mahal mo pa ba ako?..
Wala na ba akong lugar dyan sa puso mo?" ayokong tumingin sa kanya. Ayokong makita ang reaction niya.
Ramdam ko na lang na unti unti niya akong niyayakap. Hindi ko na tuloy napigilan ang pagpatak ng mga luha ko.
"Yan ba ang gumugulo sa isipan mo?" ayokong humikbi. Ayokong marinig niya ang pag-iyak ko..
"Hindi
ko man alam kung anong nangyayari pero pakiramdam ko ang dami mong
pinagdaraanan ngayon. Max.. I'm still a friend. Palagi lang akong
nandito.."
*sob*
Hindi ko na napigilan at
tuluyan na akong naiyak. I guess that's the answer.. Wala na talaga
kami.. Napayakap naman ako sa kanya.
"It's ok Max. You can tell me everything." mas lalo kong hinigpitan ang pagyakap sa kanya. Mas lalo lang din akong naiyak..
Hikbi ako ng hikbi. Pero sa huli na-open ko rin sa kanya ang lahat.
"May
boyfriend ako Leo habang binibigay ko ang atensyon ko sayo. Nung mga
panahong nasa bahay niyo ako at mas pinili kitang makasama kaysa sa
kaniya. *sob* Leo.. *sob* Kapag nagtext siya, mas nirereplayan kita.
Hindi ko nakita ang tunay na nagmamahal sakin. Nasaktan ko siya ng sobra
sa pagbabalewala ko sa kanya. Akala ko.. *sob* o-okay lang. Pero hindi!
Hindi ako okay!
He's still the same. Ang bait bait pa
rin niya kahit noon pa na masama na ang pagtingin ko sa kanya. Leo!
Napaka-unfair! Simula nung nagbreak kami, feeling ko iniwan ako ng
lahat. Ayoko ng ganitong feelings.. ayokong bumalik sa dati..
Leo, tulungan mo ako.." hinigpitan naman ni Leo ang pagyakap sakin.
Wala
siyang sinabi nung gabing yun. Niyakap lang niya ako na para bang
binibigyan niya ako ng lakas. Hindi niya ako iniwan nung gabing yun.
Buong gabi siyang nagstay sa tabi ko.
Nung
kinaumagahan, nagising na lang ako na wala na siya sa tabi ko. akala ko
umalis na siya. pero nung pumunta akong kusina, nakita ko siyang lumabas
ng banyo. Nakadamit siyang pang-alis. Uuwi na siguro siya.
“Goodmorning.”
Nakangiti niyang sabi. “Nagluto nga pala ako. Kain ka na.” sabi niya
habang pinupunasan niya ang basa niyang buhok. Umupo naman ako sa table.
“Aalis ka na?” sabi ko ng di tumitingin sa kanya.
“Ahhh.. hindi! Hahahah. Tinext kasi ako ng kaklase ko, ibabalik na daw niya sakin yung mga librong hiniram niya.”
“Ganon ba.” Kumagat naman ako.
“Hmm.. gusto mong sumama?” napatingin naman ako sa kanya. Sabay ngiti naman niya.
Sumama
nga ako kay Leo since wala naman akong gagawin sa bahay. Pumunta kami
sa tagpuan ng kaklase niya. Natanggap nga namin yung libro niya at
pagkatapos nagdecide kami na kumain muna.
“Pasensya ka na Max a. gusto ko lang talaga matikman ulit yung pagkain dito e.” naghalf smile na lang ako.
Agad naman kaming naghanap ng table pagkapasok namin.
“Saan
ba magandang umupo, Leo?—“ nagtaka naman ako nung makita siyang
nakalingon kung saan. At nagulat naman ako nung makita kung ano ang
tinitingnan niya.
Unti unti kong narealize ang mga bagay bagay