“Nika..”
“Ito ba ang hinahanap mo?” hawak niya ang cellphone ko. at inabot sakin.
Hinala
ko na binasa niya ang mga inbox ko. Ganon pa man.. kagustuhan ko ito
kaya hindi ko kailangang magpaliwanag. Kaya umalis na lang ako--- pero
hinigit niya ang braso ko.
“So you’re doing this all the
time.” Binawi ko ang kamay ko. “Alam mo bang sinasaktan mo si Kenner sa
ginagawa mo!!!” sinigawan niya ako.
Tumingin naman ako ng diretso sa kanya, “Alam ko, kaya nga nakipagbreak siya sakin e.”
“Anong—“
“Nika.
Ano bang gusto mong patunayan? Bakit sa tingin mo kung gagawin mo ang
mga bagay na yan kay Kenner.. magiging sayo siya? wag kang tanga.”
*SLAP*
“Hindi ako tanga!” nagulat ako sa ginawa niya. Ito ang unang pagkakataon. Tiningnan ko naman siya ng masama.
“Sa
tingin mo, sinong mas tanga satin. makipagflirt daw ba sa ex na may
girlfriend na. tsk. How lame.. kaya ka tinago ni Leo e.. dahil sa ugali
mo.” Hindi na ako nakapagpigil at nasampal ko na rin siya.
“Ah!”
Lumapit ako sa kanya.
“Alam
ko kung bakit ka nagkakaganyan. Naiintindihan naman kita Nika.. pero
ang sabihin mo sakin ang mga bagay na yan tungkol kay Leo pagkatapos ng
lahat. How dare you.. you’ve been my bestfriend na laging dumadamay
sakin sa tuwing nasasaktan ako kay Leo..
Tapos ano. Maririnig ko yan.
You’re being a bitch. deserves you!” tinulak ko siya at umalis na.
Napatingin
ako sa mga kamay ko na kanina pang nangangatal pagkatapos kong sampalin
si Nika. I guess hindi talaga ako sanay saktan ang mga taong
pinagkatiwalaan ko.
Pero naiinis ako.. kung galit talaga si Nika
sakin dahil mahal niya si Kenner. Wala pa rin siyang karapatan na
sabihan ako ng mga ganong bagay tungkol samin ni Leo.. pagkatapos niya
akong damayan nung mga oras na nasasaktan ako. So ano.. hindi pala totoo
na concern siya.
Iniisip niya pala.. na ganito ganyan ako kaya ginawa ni Leo sakin yun..
The nerve! Hindi ko na alam kung kanino ako magtitiwala..
Nag-impake
naman kaming lahat para sa pag-alis. Ganon pa rin. Hindi pa rin kami
nag-uusap ni Nika. Ganon din sila ni Darren. Ganon pa man, nilalapitan
pa rin ako ni Kenner. Pero hindi niya ako kinakausap. Sa mata ng iba..
mukhang walang problema. Pero sa totoo.. meron.
Sinubukan
kong magsorry kay Nika.. pero siya mismo. Nagpapakita na wala na siyang
pakealam. I guess.. nangyari na ang kinatatakutan ko.
Sa
bus.. Ang awkward na sa buong byahe wala kang katabi. Hindi ba dapat
wala akong pakealam. Dahil ako si Max. ako yung Max na matapang at
palaging walang pakealam sa lahat ng bagay. Pero hindi ngayon..
“Kenner!!! Dito ka sa tabi ko oh~”
Alam
kong may mali kaya hindi ko kayang magpanggap na walang pakealam.
Bumabalik na naman yung dati. Ang maging loner. Nagiging mahina na naman
ako dahil sa ibang tao. Ayoko namang magpaapekto.. pero naging mahalaga
sakin ang taong nagpaparamdam sakin nito.
Anong gagawin ko..
“Ah.” Nakita ko na lang na umupo si Kenner sa tabi ko.
“Dito
na lang ako Nika..” tumingin naman siya sakin. “Si Max naman talaga ang
katabi ko e. magiging weird kung bigla ko siyang iiwan..” pinilit
niyang ngumiti. Umiwas naman ako ng tingin.
Nakokonsensya ako..
2 days after,
Wala
na akong contact kay Kenner. Nawawalan na rin ako ng ganang
makipagtext kay Leo. Mukhang wala na akong lakas ng loob para ibalik ang
lahat samin ni Leo. Pagkatapos ng nangyari.. narealize ko na dapat ko
ng tanggapin na tapos na ang lahat samin ni Leo.
Sa kakatitig sa kisame ng kwarto ko.. hindi na napansin na nakatulog na pala ako..
“Hahahah. Akala mo kung sinong matalino. Magaling kumanta, nakakairita naman. Hahahahah.”
“Hindi naman siya maganda e. mukha siyang tanga.. uto uto.”
“Teacher’s pet. Ang sipsip. Akala mo kung sinong magaling.”
Napahawak
ako sa tagiliran ng mata ko. pinunasan ang namumuong luha. Ramdam ko
ang malalakas na kabog sa dibdib ko.. narinig ko na naman ang mga boses
na yun sa panaginip ko. it’s been 3 years.. pero hindi pa rin nila ako
tantanan. Gusto ko ng makawala sa mga taong yun..
Sa takot na nararamdaman ko..
“Kaibigan kita diba.?”
“Kaibigan? YUCK! Wala akong kaibigang freak! Get lost.”
Dumating
ang araw ng enrollment para sa summer class. Si Chad lang ang kasama ko
sa school. Pero nung magkasalubong sila ni Nika. Bigla na lang akong
naiwang mag-isa. Syempre hindi ako sumama dahil magkagalit pa rin kami.
Nag-enrol na lang akong mag-isa.
Sa sobrang haba ng pila, naisipan
ko munang bumili ng makakain at tumambay muna sa pinakamalapit na
bench. Maya maya naman ay may dumating na maiingay na grupo ng mga
kalalakihan. Nung mapansin ko.. barkada pala ni Kenner. Nandun din siya.
"Girlfriend mo!" kumaway at ngumiti si Kenner sakin. Nagulat ako sa ginawa niya. Umupo naman sila sa bench di kalayuan sakin.
"Di mo ba lalapitan?"
"Lalapitan?
Takot lang niyang si Kenner? E mukha namang ayaw magpalapit sa kahit na
sino niyang girlfriend niya e. Masyadong mailap."
Naririnig ko ang mga sinasabi nila. At mukhang ako ang pinag-uusapan nila.
"Hahaha tigilan ninyo nga siya!"
Ngayon ko na lang ulit narinig ang boses niya. Ang makita ang mukha niya..
Nung
matapos na akong mag-enrol at nakuha ko na rin sched ko. Naisipan ko
munang pumunta ng thespian and good thing bukas yung room.
Umupo
ako at umub-ob sa lamesa. Ayokong magsenti.. pero ramdam na ramdam ko
ang mabibigat na nararamdaman ng dibdib ko. Ngayon ko lang natanto na
nagsabay sabay pala ang problema ko. Bigla kong naisip na mali ito.
Dapat bawasan ko yung problema ko. Kaya tinawagan ko si Leo..
Ring.. Ring.. Ring..
"Please answer the phone." sabi ko. Namumuo na ang mga luha ko.
"Hello? Max?" nakahinga nama ako ng maluwag.
"l-Leo!"
"Ui?
Bakit? Hayy di ka sumama kahapon. Ang saya pa naman. Mas masaya siguro
kung nandun ka.." naging malambing ang boses niya. I'm on the right
time, right? Kailangan ko si Leo..
"Leo.. pwede mo ba akong puntahan ngayon?"
"Huh?
Bakit nasaan ka ba? Ah wait nagtext si Janine. Tawagan ulit kita."
napahawak ako sa noo ko. "Nga pala. Ngayon ka na lang ulit nagparamdam
sa phone. Kaw a. Sige bye--- tut tut tuu.." binaba ko ang cellphone ko.
Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng nga luha ko. Napahawak naman ako
sa mukha ko.
Bigla na lang may nagbukas ng pinto. Kaya napaub-ob ako para itago ang mukha ko.
"Waaah
nasaan na yun? Dito ko lang iniwan yun e!-- Ah? Max??" tinawag niya
ako. Hindi ko kilala kung sino siya. Pero hindi ko pwedeng ipakita ang
luhaang mukha ko. Magpapanggap akong tulog. Tama! *sob*
"Max.."
Di ko na alam ang gagawin ko. Bakit ayaw pa kasi nitong taong ito na umalis!..
Naramdaman
ko na lang na umupo siya sa harap ko. Mukha wala na akong kawala. Nung
hawakan niya ang braso ko, alam kong alam na niyang umiiyak ako.
"Ano
ba!? Di ka pa ba aalis!?" tiningnan ko siya. Nagulat naman siya. Si
Marjohn pala. Pinilit ko namang punasan ang luha ko pero di ko na talaga
napigilan ang pagpatak nito.
*sob*
Bakit ako tinanggihan ni
Leo.. Bakit mas pinili niya ang gf niyang manloloko. Pero manloloko din
ako! Dahil niloko ko ang bestfriend ko at pati na rin si Kenner..
Naiinis ako.. naiinis ako sa sarili ko--
"Tahan na." napatigil naman ako nung hawakan niya ang buhok ko. Ganon pa man.. tumutulo pa rin ang mga luha ko.
Tumingin siya ng diretso sa mga mata ko. At parang akong nabingi sa huling katagang binitawan niya..
"Mas lalo lang akong mahuhulog pag ganyan ka.."