Nagtext na naman si Leo. Ano namang kayang kailangan niya this time? Pero nireplayan ko pa rin siya. Nawalan na ako ng mood para panoorin ang laro kaya umalis na lang ako.
Katext ko si Leo habang naglalakad lakad ako sa buong resort. Nag-enjoy din ako sa laki ng resort kaya hindi na ako nakabalik sa cottage at sa labas na lang kumain. Hindi ko na napansin ang oras.
From: Leo
Sama ka na~
Natawa naman ako sa text niya. Pinipilit niya kasi akong sumama sa kanila pagpunta sa Amusement Park. Sinabihan ko na sila Hanna na baka hindi ako makakasama pero mapilit si Leo. Di ko tuloy napansin na nasa cottage na ako.
Rereplayan ko na sana siya nang—
“Bitawan mo nga ako!” nakita ko na parang may pinagkakaabalahan sila. At napansin ko na lang ang nangyayari sa pagitan nila Darren, Nika.. kasama si Kenner.
Hawak ni Darren ang braso ni Nika. Habang nasa likod ni Nika si Kenner.
“Tama na, Darren.” May pumigil kay Darren. Mukhang nag-aaway sila. Pero anong kinalaman ni Kenner?
Hindi agad ako lumapit at nakialam. Mukhang may nangyari habang namamasyal ako. Maalala ko.. kanina pa nga pala ako tinetext ni Kenner. At hindi rin ako nakareply ni isa sa text niya, kakatext sa mga kabarkada ko.
Naupo ako sa sulok.
“Nika, boyfriend mo ako! Kaya may karapatan akong magalit!”
“Diba sinabi ko na sayo na wala kaming ginagawang masama!”
Ano ba talagang nangyari?
“Nagyayakapan kayo! Walang ginagawang masama!!! Tangna lang ah!”
“Tama na Darren—“ napatayo naman ako nung ni-grab nung Darren na yun ang damit ni Kenner.
“Magpasalamat ka pare, kaibigan kita!” hinigit naman niya ang kamay ni Nika at dali dali silang lumabas.
Nakita ko ang pilit na pagpupumiglas ni Nika pero wala siyang magawa. Susundan ko sana sila kaso may biglang tumawag sakin. Hindi ko tuloy sinasadyang mapatingin kay Kenner. Yung expression ng mukha niya. May halong gulat.. pero malungkot. Mukhang iniisip niya kung bakit hindi ko siya nilalapitan. Pero mas kailangan ako ni Nika, kaya lumabas pa rin ako.
Hinanap ko sila. Natatakot ako na may gawing masama yung Darren na yun kay Nika. Hingal na hingal ako pero naiisip ko parin ang mga sinasabi ni Darren. Nahuli niyang magkayakapsila Nika at Kenner. Yung galit ni Darren.. para bang may alam siya tungkol sa feelings ni Nika kay Kenner. Paano kung ganon nga. Ano ba kasing ginagawa nila?
*pant*
“—ALAM MO NA HINDI KITA GUSTO!!!” naagaw ang atensyon ko sa babaeng sumigaw.
Lumapit ako sa pinanggalingan nung boses na yun. Na nasisigurado ko na kay Nika.
“You just took advantage of me dahil alam mong si Kenner ang gusto ko. Pero.. *sobs* si Max ang gusto ni Kenner. Ngayon bakit ka nagagalit kung samantalahin ko yung chance ko kay Kenner. We’re just using each other.”
Ano bang pinagsasabi ni Nika?
“Alam mong hindi yan totoo. Nika, alam mong gus—“
“TAMA NA! hindi kita type. Ang gusto ko ay kagaya ni Kenner. SIYA LANG ANG GUSTO KO!!” napatago naman ako nung bigla tumakbo si Nika.
Ang kabado ko. may mga narinig akong kahit na kailan ay hindi nabanggit ni Nika sakin. Pero ganon pa man, hindi ko maintindihan kung bakit ginagawa ito nung Darren na yun.
“Anong ginagawa mo?” nagulat ako nung biglang marinig ang boses na yun.
Pinilit kong umakto ng normal pero naunahan na niya ako.
“Nakikinig ka.” Tumango tango siya. para bang walang nangyari. Para bang hindi siya natatakot sa nalaman ko. napakahangin talaga!!!
Pero mas nabigla ako nung magbago ang expression ng mukha niya. Seryoso.
“Alam mo ba kung gaano ako naiinis sayo.” Lumapit siya sakin. Hindi ko sana papatulan ang hambog na'to kaso nung sobrang lapit na ng mukha niya sa mukha ko ay napaurong ako.. hinigit niya ang braso ko at bigla akong tinulak sa pader at ikinulong sa mga bisig niya.
“Hindi ko alam kung anong nagustuhan sayo ni Kenner. At kung bakit kailangan niyang magpakatanga sayo.” Tiningnan ko lang siya sa mga mata. Nagpapanggap na hindi natatakot.
“Kung bakit kailangan niyang gawin ang lahat ng ito para sayo. Hindi ka deserving..
Wala kang kwenta.”
Hindi ko alam kung dapat ba akong magpaapekto sa sinabi niya. Pero bigla na lang na para bang may tumusok sa puso ko, at ang sakit sakit. Sana hindi niya makita ang namumuong luha sa mga mata ko.
“Makipagbreak ka na rin kay Kenner. Habang mabait pa siya sayo.” Lumayo naman siya sakin.
Tumakbo naman ako. Mapalayo lang sa Darren na yun. Lahat ng sinabi niya ay totoo.. at ang sakit sakit. Unti unting humina ang pagtakbo ko.. sa paglalakad ko.. Nakita ko naman si Kenner. Nakaupo siya at nakayuko. Nag-iisa.
Pinanood ko siya. Nung may lumapit sa kanyang mga babae. Pero umalis din naman ang mga 'to.
"Ang suplado."
"Sayang gwapo pa naman."
Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganyan. Kung bakit may nangyaring ganon sa kanila ni Nika. Nag-aalala ako.. na baka may kinalaman ito sakin. At dahil girlfriend niya ako, dapat ko siyang icomfort.
"Ah." naramdaman ko naman ang pagtingin niya sakin. I acted like the same. Ayokong ipakita na guilty ako. "Max.." ang lamig ng boses niya.
"I'm sorry." sabi ko. Napayuko ulit naman siya.
"Don't be. Naiintindihan naman kasi kita." napatingin ako sa kanya.
Katahimikan.
Bigla akong nainis. Gusto kong umiyak dahil nakikita ko siyang ganyan. Bakit kasi kailangan nandito ako? Bakit ako pa..
Napatingin siya sakin. "Kenner, bakit mo ba ako gusto?" nakakunot na noo kong tanong. Bigla siyang ngumiti.
Mas lalo lang akong naiinis when he’s making that kind of face. Feeling ko kasi pinaglalaruan lang niya ako. Na chikboy siya kaya lang siya ganyan sakin. Ito ang laman ng isip ko.. all the time. At kaya ko lang pinatatagal ang relationship na’to dahil.. I just go with the flow..
"Bakit ako pa.. Bakit..?"
“Max.. baligtarin ko ang tanong.
Bakit mo ako sinagot kung hanggang ngayon mahal mo pa rin ang ex mo?” huh?
Katahimikan.
Unti-unti siyang umiwas ng tingin sakin. Ang liwanag ng buwan.. nakikita ko ang maaangas niyang mata na ngayo’y bumubuo ng luha. Ramdam na ramdam ko ang katotohanan.. na seryoso pala talaga siya sakin. Ganon pa man.. hindi ko maiwasang hindi magduda. Siya si Kenner.. siya pa rin ang chikboy na gustong gusto ng lahat ng babae..
Hindi ko siya gusto. Hindi siya ang tipo ko.
May iba akong mahal.. pero pagmamay-ari na ng iba ang taong yun.
Gusto kong makalimot.. pero ayaw turuan ng isipan ko na mahalin siya.
Gusto ng puso kong mahalin siya.. pero natatakot ako na baka masaktan ng gaya niya..
“You only pity me, do you? Hindi mo naman kailangan sabihin sakin e. di mo din kailangang mag-effort. Dahil kahit akin ka. Kahit kasama kita.” Tumingin siya sakin. Kasabay ng pagpatak ng luha niya. “Ang puso mo na sa kanya..”
Ang puso ko.. nasasaktan.
Talaga bang hindi ko siya gusto..? talaga bang wala akong pakealam sa taong ito. Pero bakit.. ayokong nakikita siyang ganyan..
Do I only pity him?
“Akala ko kung magiging akin ka.. matuturuan ko ang puso mo na tingnan ako. Sinubukan kong sumuko.. pero hindi rin kita natiis. Tinatanong mo sakin kung bakit kita nagustuhan? Bakit Max, mahalaga pa ba yun ngayon.” Tumayo siya.
“I’m letting you go.” Iniwan naman niya ako.
Nasasaktan ako.. pero hindi ko alam kung ito ba yung takot na iniwan ako ni Kenner? O yung takot.. na nasaktan ko ang taong.. ayokong nasasaktan.
Tiningnan ko ang buwan para hindi pumatak ang mga luhang namumuo sa mga mata ko. tama, mas maganda ‘to. Malaya na ako. Hindi ko na kailangang mag-go with the flow dahil sa fact na girlfriend niya ako.
Kinapa ko naman ang bulsa ko. pero.. wala dun ang hinahanap ko. ang cellphone ko. nung maalala ko na baka naiwan ko sa may cottage. Kaya dali dali akong pumunta sa cottage..
Nung makita ko si Nika dun..