1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Tuesday, April 16, 2013

Chapter 13

Pinili ko ang pinakamaganda kong damit para sa araw na’to. Napag-usapan kasi namin ni Leo na pupunta ako sa bahay nila. Wala daw kasi sila Tita at Tito bukod pa dun ay hindi naman daw niya maaya si Janine lumabas dahil nga nagkakalabuan pa sila. Gusto kasi niyang at least ay may magawa after final exam nila.

Nung mag-1pm, nagkita kami ni Leo gaya ng napag-usapan. Sa bahay na nila kami nagluto ng lunch namin. Parang yung dati lang.. natutuwa akong isipin na parang bumalik kami sa nakaraan.


Nanood din kami ng movie. Kaso sa kalagitnaan ng panonood namin, biglang tumawag si Janine. At nagtext na naman sakin si Kenner..

Message: Busy ka ba?

Kanina ko pa nga palang iniisnab ang text niya. Dahil wala pa naman si Leo, nireplayan ko na muna si Kenner. Pagkatapos ng ilang segundo tumawag naman siya. Sinagot ko yung tawag pero saktong bumalik naman si Leo.

"It's okay." tumango naman ako sa kanya at dali daling sinagot si Kenner.


"Bakit'" sabi ko naman kay Kenner pagkasagot ko.

"Uhh magsuswimming nga pala yung mga kaibigan ko bukas, gusto ko sanang sumama tayo?" panay ang lingon ko kay Leo. "Over night?"

"Hindi ako sure. Tingnan ko kung pwede ako bukas."

"Hmm.. Okay."

"Sige ie-end ko na ha." may sinabi pa ata si Kenner pero naend ko na.

Bumalik naman ako kay Leo at tinuloy na namin ang panonood.


Ang dami pa naming ginawa, naglaro kami ng PS2 nila at nagluto din ng aming merienda. Para bang ayoko ng matapos ang araw na'to para saming dalwa.

"Salamat, Max a. Nag-enjoy ako." sabi niya habang nakatingin sa ceiling. Nandito kami at nakahiga sa kama.

"Alam ba 'to ni Janine?" hindi siya sumagot.

"Ipapaalam ko sa barkada ang naging relasyon natin." bumangon naman ako. Napatingin siya sakin.

"Max, mahal mo pa ba ako?" hinawakan niya ang kanang pisngi ko at unti unti siya lumapit sa mukha ko. Pinikit ko ang mga mata ko kaso ang inaasam na sandali ay naputol.

bzzt..bzzt..bzzt..

Calling Janine..

Parang nag-slow motion ang mga sandaling yun. Ang mga mata ni Leo na disappointed habang inaalis niya ang pagkakahawak sakin. Ramdam ko ang pagkakamali sa ginagawa namin..

From: Kenner
So sasama na tayo? Yes!

Ako na ang bahala sa babayaran natin.

Gusto mo bang sunduin kita sa inyo?


Napayakap ako sa mga tuhod ko at napaub-ob dito. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang sandaling yun.. Kung anong gagawin ko kung tinuloy ni Leo ang mga halik na yun..? Ang totoo kong nararamdaman.. Paano ako magiging masaya..

To: Kenner
Wag mo na akong ilibre. Magkita na lang tayo sa may bus stop.

Masasaktan ko kaya si Kenner sa mga ginagawa ko?.. Hindi ko na talaga alam ang gagawin!


Mga 7am nagkita kami ni Kenner gaya ng napag-usapan. Kasama din namin si Nika at yung boyfriend niyang si Darren. Okay naman na sila Kenner at Darren yun nga lang awkward pa rin sa pagitan namin ni Darren. Kahit na sinabi niyang kalimutan ko na lang daw ang nangyari ay hindi ko parin siya pinapansin.

Sa isang maliit na bus kami sumakay kasama ang mga kabarkada ni Kenner at ang iba sa mga dancers ng thespian. Natulog lang ako sa buong byahe at hindi pinansin ang mga pinaggagagawa ng mga kasama ko.

Nagising ako nung marinig ang ringtone ni Leo. Agad kong kinapa ang cp ko at pagmulat ko ng mata--

"k-Kenner?"

Ngumiti siya sabay inayos ang buhok ko, "Tara?" nagriring pa rin ang phone ko at napansin ko naman na kami na lang pala ang tao sa loob ng bus.

"Yung phone mo." ni-end na ni Leo ang call.

"Wala yun. Tara." tumayo naman ako at kinuha naman ni Kenner ang mga gamit ko. "Hindi! Ako na--"

"Ako na. Wala naman akong dadalhin e." mukhang kanina pa ata akong tulog..

Sumunod naman ako sa kanya. Isang malaking cottage ang nirent nila. Up and down. Kaso sama sama na lahat sa iisang kwarto na walang kama at puro blanket at unan lang. Okay na din dahil sa baba ay may lutuan na, videoke, at tv. Tigfa-500 bawat isang tao. Okay na rin.. except one thing.

"Max, okay lang ba?" nahihiyang lumabas si Nika ng banyo soot ang zebra style niyang two-piece. Naghand gesture ng 'okay' at bumalik sa ginagawa ko. Naglalaro kasi ako sa cp ko habang hinihintay na tumawag ulit si Leo.

"Bakit hindi ka pa nagpapalit?" nagsoot siya ng short pero bukas ang zipper. Style lang.

"Mamaya na siguro."

"Sige una na ako." nahiga naman ako.

May ibang pumapasok pero hindi ko na lang pinapansin. Hanggang sa nagtext na si Leo, sabi niya napatawag lang daw siya dahil magpapasama daw dapat siya. Kaso sinamahan na siya ni Janine. Sigh. Pero okay lang ako dahil hindi ko rin naman siya mapupuntahan.

Nagpalit na ako ng damit at bumaba na lang. At kumain.

"Diba girlfriend yan ni Kenner?"

"Bakit ganyan soot?"

"Ano bang nakita ni Kenner sa kanya?"

Mas lalo tuloy akong nabadtrip ng marinig ang mga lalaking yun na nagbubulongan di kalayuan sakin. Naririnig ko ang mga sinasabi nila. Kalalaking tao! Nakakainis huh!..

"Ano ba kayo! Baka may dahilan si Kenner."

Maubos ko lang 'tong kinakain ko, aalis na ako.

"Baka naman.. may binibigay kay Kenner." hindi na ako nakapagtimpi at napatayo na ako ng padabog.

Naagaw ko naman ang atensyon nila. Nung maglakad ako, parang silang nakakita ng multo at hindi alam ang gagawin.  Kung magpapanggap silang walang sinasabi o babalewalain nila ako. Pero sa huli wala naman akong ginawa, at nilagay ko lang yung pinagkainan ko sa lamesa nila.

“Pakiligpit na lang ah.” Nakakatawa ang mga mukha nila. Takot na takot sila na may gagawin ako. So talaga palang pinariringgan nila ako. Tss..


Umalis ako dun at naglakad lakad. Ang daming tao sa may pool. Mapabata, matanda, at mga babaeng nakabikini. Napatingin tuloy ako sa soot ko. isang white shirt na maluwag pero manipis habang nakasoot naman ako ng black tube top. At bikini shorts na hindi gaanong kaikli. Tss.. hindi ganong kaexpose ang katawan ko. pero comfortable naman ako. Wag nga lang akong mababasa dahil maeexpose naman ang soot ko sa loob.

Hanggang sa nakita ko naman kung nasaan sila Nika. Iiwasan ko sana sila kaso nakita agad nila ako.

“MAXINE PEDROSA!!! HALIKA!!!” at ang nakakainis. Yung Darren pang yun ang tumawag sakin.
KAILANGAN TALAGA BUO ANG PANGALAN!!!

“Max..” lumapit naman sakin si Kenner. Sumunod naman sa kanya sila Nika at Darren.

“Magkasalubong na naman ang mga kilay mo.” Nang-iinis niyang sabi.

Umiwas na lang ako ng tingin at hindi na lang nagsalita.

“Halika, sama ka samin.” Hinila naman ni Kenner ang kamay ko.

umupo  kami sa may tabi ng pool. Pinapanood ang iba na maglangoy. Tiningnan ko si Kenner. Basa yung shorts niya mukhang nakapaglangoy na din siya gaya ng iba.

“Hm?”

“Wala. Bakit hindi ka na lang rin makijoin sa kanila. Ayoko pa kasing maglangoy.”

“Mamaya na lang ulit.” Mukhang okay nga lang sa kanya.

“Hahaha. Ano ba Darren!” tss. Kung ano anu na naman ang ginagawa nila Nika. Mukhang tuluyan ng nakalimutan ni Nika ang feelings niya para kay Kenner. Pero talaga bang gusto na niya yung Darren na yun.

“KJ!!! Tara maglaro ng volleyball!!!” dumating naman yung tatlong lalaki na kaninang pinagbubulongan ako.

“Ah—kasama mo pala si Max. hehe” nailang naman sila.

“Okay lang ako dito, Kenner.” Panandalian akong ngumiti.

Nabigla naman ako nung bigla niyang higitin ang kamay ko. “Manood ka na lang samin.” Nakangiti niyang sabi. No choice naman ako.

Sa isang 3ft pool sila naglaro ng volleyball. 5 players gada team. At gaya nga ng sinabi ni Kenner. Nanood lang ako sa ginagawa nila. Nakikita ko naman na nag-eenjoy si Kenner gaya ng mga kalaro niya. Nagsisigawan sila at parami rin ng parami ang mga nanonood sa kanila. Sa bawat ngiti ni Kenner, sumusulyap siya sakin. At nginingitian din niya ako.


Bzzt..

From: Leo
Do you have a time?
HTML Comment Box is loading comments...