Katatapos lang kasi ng final exam namin ngayong panglimang araw. Finally summer vacation na.
“Yo.” Dumating naman si Kenner kasama yung boyfriend ni Nika na kabarkada niya, si Darren.
“So alam mo na pala?”
“Huh.. ah eh. Hehehe. Wala namang masama diba?” tiningnan ko siya ng masama.
“Holding hands naman tayo, Nika.” Napatingin naman kami kila Nika na naghoholding hands. Ang dami dami pang estudyante tapos ganyan sila. Pa-PDA!
Naglakad naman kami paalis ng school. Wala akong idea kung saan kami papunta. Sinusundan lang namin itong nasa harap namin na masyadong pa-PDA. Ganon din si Kenner, tahimik.
Kumain muna kami sa pinakamalapit na fast food chain.
“Ako na ang bibili ah, Nika.”
“yey.”
May ginawa silang parang binabaril ang isa’t isa. Agh. Love sign o kung ano pa man! Nakakasuka.
“Ikaw, Max. gusto mo bang—“
“Pumila kana sa counter, baka mahuli tayo sa pila.”
“ah—oo.” Kinuha ko naman ang pera ko at saka tumayo.
“Bakit hindi mo pinatapos ang sinasabi ni Kenner. Mukhang gusto niyang siya na lang ang bibili ng makakain mo.” Seryosong sabi ni Nika.
“Ano kami, gaya gaya sa inyo? Sanay na si Kenner no. ganito talaga kami.” Umalis naman ako.
Habang kumakain naman kami, nagkwento na nagkwento sila Nika at yung boyfriend niyang si Darren. Pati si Kenner dinadamay nung Darren na yun.
“*cough* *cough*” napaubo ako kabiglaan.
“Yan. Ang tahimik mo kasi.” Sabi nung Darren.
“Sandali, bibili lang ako ng drinks.”
“Pero may drinks pa.”
“Softdrinks yan.” Tumayo naman si Kenner at pumunta sa counter. Napataklob naman ako ng mukha, feeling ko nagblush ako sa ginawa niya.
Ayaw niya kasing palagi akong nagsosoftdrinks.
Pagkatapos naming kumain, namasyal naman kami sa mall.
“Waaah tingnan niyo ang cute. Bagay ba sakin?” may sinoot na sombrero si Nika na may bunny ears.
“Cute nga. Bagay sayo. Bilhin natin?”
“Talaga?” naglakad naman sila. Habang hinahawakan nung Darren ang waist ni Nika.
Nakakasama talaga ng loob ang ginagawa nila. Kahit na kelan hindi ko yan ginawa. Hindi ganyan si Leo, lalo na pag sa public place. Agh hindi talaga marunong pumili ng boyfriend itong si Nika.
Sumunod naman kami at binili nga nila yung cap yun. Dalwa ang binili nila. Isa kay Darren.
“Kayo? Wala ba kayong bibilhin ni Kenner?” sinubo ko naman ang last bite ng ice cream ko.
“Anong gagawin namin dyan. Mukha kaming tanga.” Napahawak naman ako sa bibig ko. mali yung inasta ko. Nakita ko naman si Nika na hinubad yung soot niya.
“I mean, binabagayan kasi yan. Hindi bagay sa personality namin ni Kenner yan.”
“Tama si Max. wag mo kaming igaya sa inyo, Darren. May sarili kaming way.”
“Ayaw mo na ba niyan? Akin na nga.” Kinuha ko naman kay Kenner yung ice cream niya na hindi niya maubos ubos.
Napansin ko ang pamumula niya.
“Waaah ang sweet. Indirect kiss.” Napaubo si Kenner. “Hindi ka naman pala talagang lugi KJ e!”
“Ano ba. Tss.” Sabi ni Kenner. Bakit ba siya namumula? Ano bang problema niya.
“Wag mo na nga silang pakealam, Darren. So ano, saan naman tayo pupunta?”
“Sa gamezone tayo!”
Naglakad ulit kami. At naubos ko naman yung ice cream. Tsk ang bilis kong makaubos tapos itong si Kenner, aghh problema ba niya. Ang sarap sarap kumain e.
“Na na naman?” napatingin ako kay Kenner na napatingin din sakin.
“Ano na naman bang problema Darren.”
“Wala naman, tol. Pero kanina ko pa napapansin na hindi kayo naghoholding hands. Excuse yung kanina na umiinom ka, at ngayon na tapos ka na naman kumain ng ice cream. Bakit hindi pa rin kayo naghoholding hands?” naiinis na talaga ako. Kanina pa niya kami tinitira.
“Sabihin niyo nga, normal ba kayong couple.”
“Darren—“
“Oo, normal kami. Kasi hindi kami kagaya ng iba dyan na kailangan pang utusan yung girlfriend-boyfriend na makipagholding hands. Kung gusto, gusto.”
Biglang tumahimik.
“Tama. Pumunta na tayong gamezone!” sabi ni Nika.
Kaso nagsalita na naman yung boyfriend niya, “So sinasabi mo na abnormal ako dahil kailangan ko pang utusan si Nika para makipagholding hands din sakin?!”
“Darren ano ba. Ang boses mo.” Nakatingin lang ako ng diretso sa Darren na yun. Habang hinaharangan ako ni Kenner para siguro makaiwas sa gulo.
“Ano ba kasing problema mo, Kenner. Bakit ka sa babaeng yan pumatol. Wala akong makita sa babaeng yan na nagustuhan mo! Eh sa lahat ata na naging karelasyon mo, yan na ata ang pinakaweirdo!”
“Weirdo!!!” napalakas na yung boses ko. pinigilan naman ako ni Kenner lumapit sa Darren na yun.
“Ikaw BAKLA ka! Ang dami mong satsat!”
Napansin ko naman na may mga tao ng napapatingin samin.
“Bakla! AKO?!” lumapit siya sakin pero pilit siyang pinipigilan nila Kenner at Nika. “Gusto mo sigurong mahalikan kita no—“
Nagulat na lang kami nung sinuntok siya ni Kenner.
“Tangna mo pare! Wag mong sinasabihan ng ganyan si Max! WAG NA WAG MONG MABASTOS BASTOS ANG GIRLFRIEND KO.”
Dumarami lalo ang mga taong napapatingin samin. Hanggang sa nakarinig kami ng whistle ng guard.
“Max, takbo na rin kayo!!!” hinawakan ko naman si Kenner sa braso niya. Pero hindi pa rin siya umaalis sa pakikipagtitigan ng masama sa Darren na yun. Kaya hinawakan ko yung kamay niya. At hindi na ako nahirapang hilahin siya patakbo.
*pant*
Nakalabas din kaming mall. Hawak ko pa rin ang kamay ni Kenner habang hawak hawak naman ng isa kong kamay ang dibdib ko sa sobrang hingal. Agh! Pagnaaalala ko ang nangyari, nakakahiya! Ang daming taong nanonood samin. Baka makarating sa school. Mabuti na lang bakasyon na.
Binitawan ko naman ang kamay ni Kenner—pero hinawakan niyang mahigpit ang kamay ko. napatingin ako sa kanya.
Nakatingin siya sa kamay namin.
“May problema ba?” nakatingin pa rin siya sa kamay niya.
“Ahhh.. masakit siguro itong kamay mo. Aggh sino ba naman kasing hindi mananakit ang kamay kung ganong katigas ang mukhang susuntukin mo. Akin na nga, titingnan na—“ bigla na lang niya akong niyakap.
Nag-init ang pakiramdam ko. pero naiinis ako sa ginawa niya. Hinampas ko siya sa likod.
“Ano ba! May mga tao!!!” agad naman din siyang bumitaw. Ang takot ko.
Ito ba ang effect sa pagsuntok sa bakulaw? Agghh. Nagiging weird si Kenner.
“Uwi na tayo.” Sabi ko naman.
“Ito ba ang first time.. na hinawakan mo ng kusa ang kamay ko?” napatingin ako sa kanya. Napahawak naman siya sa buhok niya sa may noo. Nakita kong namumula ang mukha niya.
“Ang saya ko.” bigla na lang nag-init ang mukha ko. kaya agad akong nagtaklob.
“Diba sinabi ko na kanina na normal lang yun. Kung umakto ka naman dyan parang hindi ka pa nagkakagirlfriend ng madami..” pabulong lang yung panghuli kong sinabi.
Wala talagang moment na hindi niya ako iinisin. Kung umakto kasi siya parang patay na patay siya sakin. Parang ako lang siya nung kami ni Leo. Nagiging masaya na.. sa maliit na bagay. Tsk. Ang chikboy chikboy niya tapos namumula siya sa maliit na bagay! Agh nakakainis talaga siya!!!
“Kung ganon.. kahit na anong oras pwede kitang hawakan.” Nanlaki ang mata ko.
Nabatukan ko tuloy siya. sabay talikod ko sa kanya.
“Aray.”
“Agh! Umuwi na nga tayo.” Ang dami niya talagang alam! Ang chikboy chikboy! Nakakainis!!
“hahaha. Mahal na mahal talaga kita Max.”
Lumingon ako sa kanya at napatingin sa kamay naming.. magkahawak.
Hindi ko alam kung dapat ba akong makonsensya..
Bzzzt..
From: Leo
Kita na lang bukas sa bahay a. :))
Nagdecide na rin kasi akong.. ipaglaban ang feelings ko para kay Leo.