“Ah Max.” nagkasalubong kami ni Kenner habang papaalis na sana ako.
Napansin ko yung soot niya. Parang.. alam niyo yung mga damit ng mga
dancers? Ang gara lang..
Nakakainis mang aminin, pero ang gwapo niya.
“Uuwi ka na ba?” tanong niya.
“Tinext kita a.”
“Ah.. ahhh wala sakin ang cp ko. magpeperform kasi kami ngayon. Pero may time ako, gusto mo ihatid na kita.” Umiling ako.
“May pupuntahan pa kasi ako.” Nabago yung expression ng mukha niya. Ang lungkot... hindi ko alam kung bakit.
Tapos changed expression ulit. “Ganon ba. Sayan naman. Hehehe. Sige—“
“Kenner!!—“ napatingin naman kami sa tumawag sa kanya.
“Oh Max.”
“Sige aalis na ako.” Tumalikod naman ako. At lumingon ulit nung marinig yung usapan nila.
“Hahaha ulitin ulit natin yung kahapon ah.”
“Aisssh! Ang kulit mo talaga!”
“waaah wag mong guluhin ang buhok ko!”
Malayo na sila sakin. Pero kita ko na tumatawa si Kenner. Hindi ko na marinig ang pinag-uusapan nila.
So
magkasama pala sila kahapon. Sabi ni Nika, may boyfriend na daw siya..
wala akong maintindihan.. Diba final exam na, bakit kung ano anu na lang
inaatupag nila? Bahala nga sila.
Dumating ako sa usapan
habang nagsisimula na silang mag-aral. Sinundan ko na lang kung saan
topic na sila. Mga 1 hr and 30 mins. ang lumipas.
“Guys kain muna tayo.”
“Maxine! Turuan mo nga ako sa part na ito.” Lumapit sakin si Janine. Tiningnan ko naman yung topic na tinutukoy niya.
“Diniscuss ‘to ni Leo a.” nag-iba ang expression ng mukha niya. Hindi ba siya nakikinig kay Leo kanina?
“O sige. Ganito daw yan..” sinabi ko naman kay Janine yung easy way na sinabi ni Leo samin kanina.
“Waaah ang dali lang pala. Thanks Max. kain ka na.” dali dali naman siyang umalis.
Kumain naman ako.
Nung
matapos ang iba kumain, nagsimula na ulit mag-aral. Umalis naman si Leo
sa kalagitnaan ng discussion. Bigla ko namang napansin na hindi pa pala
bumabalik si Janine galing sa paghuhugas ng pinggan. Nakinig na lang
ulit ako. Bumalik din naman si Janine kasunod si Leo. Medyo naiinis ako.
Hindi ko kasi maintindihan kung bakit sila nagkakaganyan. At kung bakit
kailangan ko pang mapansin ang bawat galaw nila.
“Uuwi na ako.”
“Ingat
ka.” nagpaalam naman ako sa kanila. Sapat na siguro yung nalalaman ko.
pati nagkukwentuhan na kasi nila. Tinatamad na din sigurong mag-aral.
“Paano kung malaman nila ang ginagawa mo.”
“Wala silang malalaman. Wag kang mag-alala.”
“Sandali nga Janine—“
Napatigil
naman ako sa paglalakad nung makita ko sila Leo at Janine. Lumabas nga
pala silang dalwa para bumili ng makakain ng barkada. Pero ano itong
ginagawa nila? Nag-aaway ba sila?
“Diba napag-usapan na natin ito.”
“Hindi na talaga kita maintindihan. Bahala ka na nga.”
“Oi anong gagawin ko dito?”
“Bumalik ka na dun mag-isa. At gumawa ka na lang ng dahilan.”
“Oi LEO!!!”
Nag-aaway nga sila. Binigay ni Leo yung plastic bag kay Janine na binili niya. At mukhang babalik nga ng mag-isa si Janine.
Sumunod naman ako kay Leo.
Umupo ako sa tabi niya, “Ah? Max?” uminom ako ng drinks ko.
“Nakita ko kayo. May problema ba?”
“Huh?”
ang tagal niyang sumagot. Mukhang gets na niya ang tinutukoy ko.
“Hahaha ano bang sinasabi mo. Ininom naman niya yung drinks niya.
“Magaling
ka talaga dyan. Ang magpanggap. Noon, nagpapanggap ka na walang tayo.
Ngayon, nagpapanggap ka na kayo, kahit ang totoo parang wala na kayo.”
Katahimikan.
Ang awkward. Mali ata na nag-open ako ng ganitong klaseng topic. tama
nga si Nika, hindi ko na dapat sila pinapakealaman. Tatayo na sana ako
para umalis—
“Nalaman ni Janine na naging tayo.” Nagulat ako sa sinabi niya.
“Galit na galit siya na tinago natin.”
“Galit? Pero wala namang nabago sa trato niya sakin.”
“Dahil sinabi ko na ako ang may kasalanan ng lahat.” Uminom ulit siya. hindi pa rin siya tumitingin sakin.
Siguro ito na ang tamang oras para malaman ko ang katotohanan.
“Bakit mo nga ba tinago ang relasyon natin?”
Pagdating
sa kanya, mahina ako. Pagdating sa kanya, hindi ako ang Max na kilala
ng lahat. Ramdam ko pa rin.. hanggang ngayon.. mahal ko pa rin si Leo..
“Hindi sana nangyayari ang lahat ng ito kung hindi mo ako iniwan..” mukhang tutulo na ang luha ko. pero pinigilan ko.
“Alam
mo ba Max.. nung malaman ko na gustong gusto mo ako ng ganong katagal.
Ang unang pumasok sa isip ko, ‘bakit?’ Bakit ako ang nagustuhan ng
babaeng ito. Natatawa ako sa fact na gusto mo talaga ako. Sa mga mata
mo, ang perfect ko. sabi mo, matalino ako, gwapo, mabait, mabuting
anak.. agh. Hindi mo alam ang sinasabi mo noon Max. paano ako magiging
masama sayo kung ang taas taas ng tingin mo sakin. Ang nasa isip ko lang
nung mga panahong naging tayo.. ‘I wanna treasure you. No matter what, I’ll keep you. I’ll protect you.’ Minahal kita Max. at ayokong malaman mo ang mga bad sides ko sa oras na malaman ng lahat na tayo..” tumungo siya.
Napansin ko na lang na may pumapatak na likido sa lamesa namin. Umiiyak si Leo..
“Takot
ako sa mga taong makakaalam na girlfriend na kita. Ayokong isipin nila
na I’m taking advantage of you. Ayokong makarinig ka ng masasamang bagay
tungkol sakin galing sa iba. ayokong mag-iba ang tingin mo sakin.. pero
unti unti.. unti unti pala kitang nasasaktan.. *sob*
Pinilit
kong itago ang relasyon natin at nagbabakasakaling maiintindihan mo ang
lahat.. but in the end.. nawala ka na lang ng parang bula.
Iniwan mo ako.”
Pumatak ang mga luha ko. pero hindi niya nakita yun.
Simula ng araw na yun. Narealize ko.. na MAHAL NA MAHAL KO PA RIN TALAGA SI LEO.
Nung
mga oras na yun, gusto kong sabihin sa kanya lahat lahat ng
nararamdaman ko.. noon, hanggang ngayon. Gusto kong malaman niya kung
gaano ako kasaya nung maging kami. Hindi ko na pinagsisisihan na minahal
ko siya. ang totoo.. mas lalo ko lang siyang minahal dahil sa pinaalam
niya.