Napatingin naman ako kay Chad na mukhang kaparehas lang ng iniisip ko.
Nakita ko naman na nasa tabi ko na lang si Kenner. “Hindi pa ba tayo uuwi?” tanong ni Kenner samin ni Chad. Tumayo naman si Chad.
“Tama. Tara na Max.” tumango na lang ako.
Nauna silang lumabas ni Kenner dahil mukhang may tinatanong si Kenner sa kanya tungkol sa kung ano man yun. Habang inaayos ko naman ang gamit ko. Lalabas na rin sana ako nung maalala ko si Marjohn. Lumingon ako sa kanya. Tiningnan siya ng diretso sa mata. At mukhang nagets naman niya ang ibig kong sabihin kaya tumango na lang siya.
"1 week na lang at final exam na natin. Mag-aral kayo ng mabuti class."
Dahil magfafinals na, dapat pala magfocus ako sa studies. Dapat medyo dumistansya ako kay Kenner.
"Heto." inabot ko naman yung pagkain. Umupo siya sa tabi ko.
"Kenner, hindi na ako sasabay maglunch. Pati pag-uwi. This week kung maaari ay studies lang iintindihin ko." kumagat naman siya sa tinapay niya. Sa totoo lang naiinis ako sa fact na kailangan ko pa talaga itong sabihin sa kanya, baka kasi hindi siya pumayag. Boyfriend-girlfriend! Tss..
“Okay.” Sabi niya ng may ngiti. Medyo nabigla ako sa pagresponce niya.
“Hahah syempre engineering ang girlfriend ko kaya dapat mag-aral siya ng mabuti.” Ginulo niya ang buhok ko. tumatawa siya kahit kumakain siya. “Tamang tama. Sasabay ako sa barkada ko. gigimik kami.”
“Hindi ka maghahanda sa finals?” hindi siya sumagot.
Hindi ko na talaga alam ang gagawin sa boyfriend ko.
Naisipan kong itext ang mga dating kong kaklase para mag-aral. At madali naman silang pumayag. Tuwang tuwa ako na may tutulong sakin. Kita kita na lang daw kami pagkatapos ng klase. Kaya tinext ko na rin si Chad na hindi ako makakasabay sa kanya.
Naglalakad ako sa may corridor ng makasalubong ko si Chad kaya nagkasundo kami na magsabay na hanggang paglabas ng gate. Sa pagliko namin may nakasalubong naman kaming magugulong grupo ng mga kalalakihan. Nakita ko si Kenner.
"Ngayon ko na lang ulit nakitang kasama ni Kenner ang barkada niya." saktong pagbaba nila ng hagdan nagkatinginan kami ni Kenner.
Agad akong umiwas ng tingin at pinigilan sa paglalakad si Chad.
"Bakit?" tumingin ako sa kanya sabay iling. Naglakad naman ako. Mabuti na lang nakaalis na sila Kenner.
"Di ka ba nakita ni Kenner? Di ka niya binati." napansin ko din dun yung dalwang lalaking kumuha dati ng number ko. Kabarkada pala niya talaga..
"Siguro.."
Nagpaalam naman ako kay Chad paglabas namin ng gate. Di pa ako nakakalayo nung mabigla naman ako sa nakasalubong ko..
"Leo.?" lumapit ako sa kanya. Nakangiti siya habang nasa bulsa ng pantalon niya ang kaliwang kamay niya.
"May pinuntahan kasi ako malapit dito sa school mo. kaya naisip kong daanan ka na. sabay na tayo.” Mukhang makakasama ko si Leo sa group study.
Wala naman kaming masamang ginagawa. Kaya okay lang siguro.
Pumunta kami sa bahay ni Kulin. Dito kami maggu-group study. Kaming magbabarkada, lahat kami engineering ang kinukuhang course. Mga kaklase ko din sila noon. Samin, ako na ata ang pinakamahina. I mean, lahat sila matatalino. Lalo na si Leo. Ako, magaling lang ako sa Maths. Habang sila napagsasabay sabay lahat ng subject with equal attention. Pero hindi ko yun kaya. Kadalasan pa ay madalas akong maconfused kaya lagi silang nandyan para tumulong. Lalong lalo na si Leo.
“Hayy!!! Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan mo pang lumipat ng school. Tuloy!!!”
“Hanna!” nagtawanan naman sila. Sinesermonan na naman kasi nila ako.
Napatingin naman ako kila Leo at Janine. Nag-uusap sila, ang saya saya nilang tingnan. Tsk..
“Una na ako.” Sabi ko naman.
“Ah! Max sabay na tayo!!” napalingon naman ako kay Janine. “May pupuntahan kasi ako kaya sabay na tayo.” Tumango na lang ako.
Pagkatapos naming bumyahe ni Janine ay nagpaalam din kami sa isa’t isa. Ngiting ngiti siya habang umaalis ako. Gustong gusto ko na naman talaga na umalis e, naiinis lang ako at nakikita siyang tuwang tuwa. Nung nakatawid na ako ng kalsada. May bigla akong naalala. Naalala ko kung anong oras bukas. At nung tumingin ako kay Janine.. nakita ko siya na may kasamang lalaki. Nanikip ang dibdib ko nung makitang.. inakbayan siya nito.
Nung makauwi ako samin, naisip ko agad na itext si Leo. Hindi ko sinabi ang nangyari.. tinanong ko lang kung anong oras bukas. Pero ang totoo.. nagtataka ako sa mga nangyayari. Gusto kong maghinala.. at the same time gusto kong wag mangialam.
“Sa tingin mo tino-two time niya ang ex mo?” tiningnan ko ng masama si Nika. Nagtaklob naman ako ng mukha. Feeling ko namumula na naman ako.
Lunch time namin, at naikwento ko sa kanya ang nangyari kahapon.
“Hahaha. Oo na. oo na. Leo, hindi na ex. Hahaha.”
“Tsk! Hindi ko alam. Pero gusto kong malaman..” kung may posibilidad din na magkalabuan sila ni Janine.
“May Kenner ka na.. wag mo na silang pakialaman.” Lumamig naman ang boses ni Nika. Mukhang nasa side pa rin siya ni Kenner. Tsk. Gusto niya talaga..
Sumubo naman ako ng pagkain ko, “Hindi nga iyon nagtetext kahapon. Hanggang ngayon.” Nagulat siya sa sinabi ko.
“Baka naman nakita ka niya na sinundo ni Leo—“ muntik naman akong mapaubo sa sinabi niya.
“Hahahaha. Joke lang. eto naman.” Sumubo naman siya. pero bigla akong napaisip sa sinabi niya. Napaisip ako kung may nasabi na ba ako kay Kenner tungkol kay Leo, na si Leo ang ex-boyfriend ko.
Magseselos kaya ang mokong na yun? Agh! Bakit naman siya magseselos. Ang feeling ko. at bakit niya lalagyan ng malisya ang nangyari kahapon kung nakita nga niya! Agggh sakit siya sa ulo..
“You should text him.” Sabi naman ni Nika. Tumango na lang ako.
“Atsaka Max..
May boyfriend na nga pala ako..” tuluyan na akong naubo.
Tawa siya ng tawa habang tinatapik ang likod ko.
“s-Sino!?” umiwas siya ng tingin sakin.
“Si Darren. Kabarkada siya ni Kenner.” Ewan ko. pero parang may masama akong pakiramdam sa binalita niya sakin.
Matapos namin kumain, pumunta naman ako sa klase ko habang tinetext ko si Kenner. Ang tagal niyang magreply. Hanggang sa pagdating ko sa room ko, hindi pa rin siya nagtetext.
At nung magvibrate ang cp ko..
From: Janine
Baliw. Di pwede, may boyfriend pa kasi ako. :))
Tinitigan ko ng maayos ang text na yun. Galing kay Janine. At yung message na yun.. anong klaseng tanong ang sinabi sa kanya nung katext niya para ganito ang isagot niya. Nag-init ang dugo ko. sigurado kasi ako na may hindi tama.