1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Tuesday, April 16, 2013

Chapter 1

It’s_awesome_how_you_can_fall_inlove_with_a_person_you_didn’t_even_notice_the_first_time_you_met_ _


“Max!” lumingon ako sa tumawag sakin. Sabay kaway.

“Waah talagang classmate na tayo! Ang saya..” I half smile.


Lumipat ako ng university ngayong second sem. But I’m still taking up engineering course. Hindi naman masama ang bagong school na pinapasukan ko ngayon though prestigious yung noon. Pero napansin ko ang malaking pagkakaiba ng school na’to sa dati kong school. Base sa mga estudyanteng pumapasok dito.


Lunchbreak, naisipan kong bumili ng drinks sa may group floor ng department ko. Kaso kinain naman yung pera ko. Mukhang sira yung vendo machine kaya naisipan ko sipain ito gaya ng nakagawian ko sa Maynila. Nung makuha ko yung drinks ko, napansin ko naman na may dumating na tao. Nakatingin siya sakin at mukhang nakita niya yung ginawa kong pagsipa sa vendo machine. Hindi ko na lang pinansin at agad ding umalis.

“Sige na Max. Sali ka na a. may audition bukas ng hapon. Samahan kita, pati si Chad ang president ng org namin! Kaya audition ka na please.” Tiningnan ko lang siya. at uminom na lang ako ng drinks ko.

“Aaah Max. Wag mo akong dedmahin. Ano, payag ka na?”

Tumingin ulit ako sa kanya, “Ano payag ka na?” tanong niya ulit.

Kinuha ko naman yung earphone ko sa tainga niya at nilagay sa tainga ko.

“Sasali lang ako kung sasabayan mo ako.” Tumayo na ako at umalis.

“Waaa salamat Max!!!”


Si Nika, bestfriend ko siya noong highschool pa. Kilalang kilala na niya ako. Gaya ni Nika, kumakanta din ako. Kaya nga pinipilit niya akong sumali dun sa org nila. At since si Chad ang president, naisip ko na sumali na rin para naman malibang ko sarili ko. Si Chad ay kapitbahay ko naman nung highschool ako. At ngayong wala na ako sa maynila. Mukhang magkapitbahay na uli kami ni Chad.

Second day, magkakameron daw ng program para sa second opening audition sa lahat ng org na may kinalaman sa dance at singing. Ang daming tao, at lahat ng transferees ay nakaseparate ang chairs sa gitna. Medyo madami kami, pero mas madami ang audience at halos punuin ang buong gymnasium.
Ang lakas ng hiyawan nung thespian talents na ang mga nagperform. At puro pangalan pa ang naririnig ko, pero ang pinakamadalas isigaw ng tao ay ang pangalang ‘Kenner’. Mukhang siya ang pinunta ng lahat.


Naagaw naman ang atensyon ko nung may biglang nagflash sa mukha ko. At tatlong lalaki ang una kong nakita na may hawak na slr camera. Nakipagtitigan ako sa kanila. Kaya tumayo ako. Yung mga mukha nila, parang takot na takot.. pero hindi ko naman sila nilapitan. Tumayo lang ako para umalis. Hindi ako naiinis kung nakunan man nila ako ng picture, dahil siguro natripan lang nila dahil madaming babaeng transferees. Mga lalaki.. TSK.


“Hi, miss.” Tumingin ako sa dalwang lalaki na nasa harap ng table ko habang kumakain ako. Napatingin ako sa katabi kong upuan, pero wala pa si Nika. Mukhang bumibili pa ng pagkain.

Tiningnan ko yung dalwang lalaki na umupo pa sa upuang nasa harap ko.

Hindi ko na lang sila pinansin at kumain na lang ako, “Pwede bang makuha ang number mo?”

Wala akong narinig sa sinabi nila kaya inalis ko yung earphone sa tainga ko. Parang napahiya sila sa ginawa ko.

“Max, patapos ka na?” dumating naman si Nika.

“Oo.” Tumayo naman ako,”May klase pa ako Nika. Alis na ako.” Umalis ako ng walang sinabi dun sa dalwang lalaki kahit na feeling ko kausap nila ako kanina.


Papunta na ako sa pangalwa kong klase ng may nagtext sakin. 2 new message/s. Pagkabasa ko, si Nika. Pinapapunta niya ako sa room 309 sa building – z. at yung isa, unknown number. Nainis ako, dahil 1 linggo pa lang ang itong new number ko ay may mga nagtetext na agad sakin ng ganito.


Message: Hi miss. Pwedeng textmate.

Naiirita ako.

At dun sa pangalwa kong klase, napag-alamanan ko kung sino ang kumuha ng number ko. Dahil classmate ko pala ang dalwang lalaking yun.

“Bakit mo kasi binigay ang number ko.” pangatlong sabi ko kay Nika habang naglalakad kami. Explain siya ng explain na hindi ko naman maintindihan yung sagot niya.

“Eh kasi nga—“ tumigil ako sa paglalakad.

“Eh anong pake ko kung hindi mo matanggihan dahil kaibigan nung dalwang yun yung Kenner. Wala akong pake Nika. Please, ayokong mainvolved sa ibang tao.” Naglakad ulit ako. At nilagay na lang sa tainga ko yung earphone.


Papunta kami sa room 309. Naramdaman ko naman na sumunod si Nika at narinig ko pang nagsorry siya. Ngumiti na lang ako na ibig sabihin na okay na.

Dumating kami sa room 309, bigla akong kinabahan. Ang daming tao. At ngayong time pa talaga na madami silang lalaki. Agh! Ngayon din kasi ako mag-o-audition.


“Max! Long time no see! So totoo pala yung sinasabi ni Nika! I’m glad.” Sabi naman ni Chad.


Pinakilala niya ako dun sa mga members. Sila pala yung Thespian talents. Hindi ako tumitingin sa kanila habang pinapakilala ako ni Chad. Napapataklob tuloy ako ng mukha *in a cool way* sa tuwing may sasabihin sila Nika at Chad tungkol sakin. Oo, nahihiya ako. Bukod pa dun. Mukhang mababait yung mga babae kaso.. may cold personalities ako kaya ayokong mamisunderstood kaya iniiwasan ko tuloy mapatingin sa kanila. Masama din daw kasi akong tumingin sabi ng kakilala ko sa dati kong school. Kaya mannerism ko ng magtaklob ng mukha.

Pumasok kami ni Nika sa studio para simulan na ang audition. Lahat ng members ay nakatingin samin. Kinakabahan talaga ako. Pero mabuti na lang nandyan si Nika.

Nagsimula ang tugtog, sinimulan ni Nika:

[now playing: Brokenhearted by Karmin]

This is more than a typical kinda thing
Felt the joints in my bones where you were touching me, oh oh
Didn't want to take it slow
In the days, going crazed, I can barely think
You're replaying in my brain, find it hard to sleep, oh oh
Waiting for my phone to blow

Sinundan ko naman, ng hindi tumitingin sa audience at hindi tumitingin kay Nika. Tanging sa lyric sheets lang ako nakatingin..

Now I'm here in a sticky situation
Got a little trouble, yep and now i'm pacin'
Five minutes, ten minutes, now it's been an hour
Don't wanna think too hard, but i'm sour

Oh oh, I can't seem to let you go

See i've been waiting all day
For you to call me baby
So let's get up, let's get on it
Don't you leave me broken hearted tonight
Come on, that's right
Honest baby i'll do
Anything you want to
So can we finish what we started
Don't you leave me broken hearted tonight
Come on, that's right

Uh cheerio

Humawak ako sa magkabilang tainga ng headset habang kumakanta.

Nung matapos ang kanta, tumingin ako kay Nika at naghalf smile ako. Nakita ko na naman ang reaction na  iyon kay Nika. Kaya nagblush ako. Naalala ko kasi na kapag gumagawa siya ng ganong expression sabi niya’napapahanga ko daw siya’.

Paglabas namin ng studio, ng hindi ako tumitingin sa lahat, nagulat na lang ako ng nagpalakpakan sila.
Naglapitan  sila sakin at sari saring papuri ang narinig sa kanila. Nagtawanan pa sila nung magsalita si Chad. Napansin ko ang iba’t ibang tingin sakin nung mga members. Pero nasisigurado ko na ang iba dun ay hindi totoo. Gusto ko ng umalis.


Nung mahuli ko naman yung isang lalaking nakatitig sakin. Nakaupo lang siya habang nasa leeg yung headset niya. Kumurap kurap pa siya nung mapansin niya siguro na nakikipagtitigan na rin ako sa kaniya.


Pero dahil wala akong pakealam kung anong iniisip niya, agad ko na lang binawi ang tingin ko sa kanya at nagpaalam na kay Chad na uuwi na ako.
HTML Comment Box is loading comments...