1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Tuesday, April 16, 2013

Chaoter 53

Kanina pa kaming tahimik na naglalakad dito sa daan. Ni hindi ko nga alam kung saan kami pupunta. Sabi niya let’s give us time each other pero sa nakikita ko ngayon parang namang wala saming dalwa ay may mood ngayon. O di kaya ako talaga ang nagbigay ng mood na’to?

Agh! Bakit naman kasi ang init ng dugo ko sa babaeng yun?!

“Yung Madison na yun, familiar siya.” tumingin siya sakin.
“Sumali din siya sa dance competition dun sa Singapore. Nanonood ka ba nun?” sabi nya ng hindi nakatingin sakin at walang kaekspre-expression ang mukha.

Ano bang ibig sabihin niya na kung nanonood ba ako nun?! Nandun siya sa show bakit hindi ko yun panonoorin.!?

Ah kaya pala.” Pero hindi ko maalala kung aling dun? Madaming babae na sumali sa competition na yun.

Hindi parin siya nagsasalita at nagsisimula na akong mainis. Sinubukan ko ngang magpahuli maglakad pero hindi ko rin siya natiis. Nung bigla namang may tumawag sa kanya. At narinig ko na si Madison yun. Biglang nagbago yung mood niya. tinititigan ko siya.
Hindi ko tuloy napansin na muntik na akong masagi. Ang sakit ng pagkakabundol sakin nung matanda. Paglingon ko naman, malayo na sakin si Kenner.

Hindi ako umalis sa tayo ko at tinitigan ko lang siya sa likod. Hindi man lang niya napansin na wala na ako sa tabi niya.


Isang araw mas malayo pa sa distansyang ito siya mapapalayo sakin.

“AH!”  napatingin naman ako dun sa sapatos ko. nakatapak ako ng bubble gum. Sh!t.

Hindi ko na nagawang habulin si Kenner. Pero tinext ko siya kung nasaan ako. pumunta lang naman ako sa isang tabi para alisin yung bubble gum sa sapatos ko.

“Agh!” ramdam ko pa yung tyan ko na kumukulo. Pagtingin ko sa oras lagpas 1:00 na pala. At hindi pa nagrereply sakin si Kenner.

Naisip ko na bumili na muna ng ice cream kahit papaano may kinakain ako at naghintay ako sa place na tinext ko kay Kenner na magkita kami. Naghintay ako dun ng 10 minuto. Napansin ko pa na kumukulimlim na yung kalangitan. Mukhang uulan pa.

Naghintay pa ako ng 30 mins. at umulan na nga. Dun lang ako sa tabi ng vendo machine at hindi ako umaalis.

Tumingin ako sa  orasan ko at napansin kong mag-iisang oras na pala akong naghihintay. Narealize ko na nag-aaksaya lang ako ng oras at siguro hindi naman niya ako pupuntahan. Nagdecide ako na umalis na..


“Max!” nung makita ko naman siyang tatakbo papunta sakin dun sa may kabilang kalsada.
Basang basa siya ng ulan.

“Kenner..” puros busina ng sasakyan ang narinig ko habang tumatawid siya. napaalis pa ako sa tayo ko nung makitang baka mapahamak siya.

Pero bago pa ako makapagsalita, nasa harap ko na siya. hingal na hingal. Ang pula pula ng mukha niya. basang basa ang buhok niya. Pero ang gwapo pa rin niya.. Alalang alala yung reaction ng mukha niya kaya hindi ko napigilang mapangiti.
Lumapit ako sa kanya at pinunasan ko ang mukha niya.

“mmm..” tinikman ko naman yung Profiteroles na inorder namin. Ang sarap. Pero nailang ako nung makitang hindi siya kumakain at  nakatingin lang sakin.

Narealize ko na dapat nga pala akong magpaliwanag.

“Hindi ako.. nainip na hintayin ka kanina sa practice niyo.” Nagreact siya nung sabihin ko yun. Hindi ko inaalis ang mga tingin ko sa kanya. Gusto ko lang sa mga oras na’to maniwala siya.
“Nakatapak kasi ako ng bubble gum. Nagpaalam ako sayo na pupunta akong cr hindi ko naman alam na hindi mo narinig.” Pinaglaruan ko yung pagkain ko. Sorry Kenner kung nagsisinungalin ako.

“Pasensya din na hindi man lang ako nagbasa ng text message. Sobra lang kasi akong nataranta nung makita ko na hindi na pala kita kasama.” Napahawak siya sa buhok niya. halatang problemadong problemado siya. “Gusto ko na magkameron tayo ng mas maraming oras pero nasira naman lahat..”

Hindi ko alam ang gagawin ko.

Tinusok ko naman yung slice ng burger stake at inabot sa kanya.

Tiningnan niya ako. THUMP. Nanghina naman ako sa mga tingin niya. Bakit kasi kahit saang anggulo ang lakas ng dating niya no!

“Hm!” mas lumapit ako sa kanya. Binigyan lang niya ako ng nagtatakang tingin. Pero halatang natatawa siya. Pakiramdam ko tuloy namumula ako sa pinaggagagawa kong ito.

Nginuso pa niya yung adobo. Kaya wala akong nagawa kundi subuan din siya noon. Tawa kami ng tawa. Mabuti na lang bumalik na siya sa mood. Mas gusto ko ng ganyan siya. siguro dapat mas mag-ingat ako sa kilos ko. kasi konting galaw ko lang namimisunderstood ko na agad si Kenner. Pero mas mabuti sana kung mas magiging honest ako sa feelings ko.

“Nga pala. Nakahanap na ako ng matitirahan ko. para.. mas magkameron ako ng time na makita ka.” sumubo naman ako habang nakikinig sa kanya. “Sa ngayon, sikreto na muna kung saan.” Kinindatan niya ako.

Pagkatapos naming kumain, umuwi din agad kami. Pero hindi na ako nagpahatid hanggang sa subdivision namin. Masama na baka mas lalo siyang makilala kung pupunta siya sa lugar na mas madaming may kilala sa kanya.

“Itetext na lang kita.” Sinoot naman ulit niya yung sombrero niya.

Napansin ko lang na malimit siyang magsoot ng pampandong sa ulo. Pero kahit ganon ang ganda ganda pa rin ng buhok niya. Gusto kong hawakan yun.

Bakit?”
“Huh?” napansin ko na nakakagat labi pala ako.


“Ahh..”


THUMP. THUMP.

Bigla naman siyang lumapit sa mukha ko. hindi ko inaasahan ang gagawin niya kaya nagulat talaga ako.

“Can I?” pumikit naman ako.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Nanginginig pati yung mga kamay ko..


Hinihintay ko na magdampi ang mga labi namin..


Kaso—


“Naisip ko na hatiin sa gitna yung palawit ng bracelet mo para parehas tayong may necklace. Para kahit ito man lang lagi mong soot.--” napamulat ako ng mata nung maramdaman na may sinoot siya sa leeg ko.

Kahit sobrang lapit ng mukha niya. kahit na anong oras pede ko talagang itama itong noo ko sa noo niya! nakakahiya yun.. nag-assume ako! at nakakainis sa part ko yun!

“Bakit?” tanong niya. nagtaka ata siya sa reaction ko.
Agad ko namang tiningnan yung necklace. At agad din akong ngumiti.
“Mas madali nga itong isoot. At least.. hindi agad ito mapapansin ng iba.” hehe!

Pero ang galing nung idea niya. yung part kasi ng bracelet ko na ginawa niyang necklace ay hugis latckey. Pinahati niya sa gitna at nilagyan ng mga initials namin. Sa kanya M at sakin naman ay K.

“Sige una na ako. goodnight!” umalis naman siya.

Pinanood ko lang siya hanggang sa mawala na siya saking paningin. At may isa akong narealize na matagal ko ng nararamdaman simula nung mawala siya at ngayong dumating siya.


Habang tumatagal.. mas lalo akong nahuhulog sa kanya. At mas lalo ko siyang minamahal.


Tuloy mas lalo akong natatakot na mawala siya..
HTML Comment Box is loading comments...